Aiza Seguerra, Alyanna Martinez make effort to help detained Kidapawan farmers

Aiza Seguerra, Alyanna Martinez quickly move to raise money for the detained Kidapawan farmers, including 78-year-old Valentina Berlin.


Parehong gumagawa ng paraan ngayon sina Aiza Seguerra at Alyanna Martinez para matulungan ang kababaihang magsasaka sa Kidapawan, North Cotabato, na inaresto at ikinulong sa Cotabato Provincial Jail.

Sa kani-kanilang social media accounts, nagpahayag ng interes sa pagtulong para mapalaya ang mga magsasakang napasama sa protesta sa Kidapawan noong April 1.

Sa Instagram post ni Alyanna, anak ni Albert Martinez at ng yumaong si Liezl Martinez, nagpahayag siya ng pagkadismaya sa sinapit ng mga magsasaka, partikular na ang 78-year-old na si Valentina Berlin.

Sa larawan ay naka-split screen si Lola Valentina at ang businesswoman na si Janet Lim-Napoles, na pinayagan ng korteng mag-post ng bail para sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya kaugnay ng pork barrel scam.

Ani Alyanna, “This is a joke right? How much is the bail for lola? I am willing to shoulder it even if I don't even know what will become of that bail money after its paid but this is insulting to our honest hardworking elders.”

Sa sumunod na post, sinabi ni Alyana: “It saddens me because I cannot believe no one else in this whole country stepped forward to help out any way they can? People need CONCRETE ACTION NOT JUST SYMPATHY!”

Samantala, sa Facebook post naman ni Aiza, masaya niyang ibinalita na nakalikom na siya at iba pang kasamahan ng sapat na pera para matulungan ang mga nakulong na magsasaka.

“GOOD NEWS FOR EVERYONE!!! We were able to raise funds to cover the whole amount of 546,000 for the farmers!!!! Thank god!!!

“Most came from artists and friends who readily gave their support but there were other groups who donated as well to fulfill the amount. MARAMING MARAMING SALAMAT SA TULONG NINYO! Next step is to process their release.”

Bago ito, nag-abot na rin ng tulong ang ilang artista para mabigyan ng bigas ang mga magsasaka, na siyang naging ugat ng protesta sa Kidapawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Robin Padilla names fellow celebrities who donated bags of rice to Kidapawan farmers


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN