Pia Wurtzbach on Manny Pacquiao: "I'm still a fan of him as a boxer."

Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach and Manny Pacquiao may have contradicting opinion about some issues concerning the LGBT community, but Pia said that she is still a Pacquiao fan.


Nagkita ang dalawang Filipino pride -- ang Filipino boxing champ na si Manny Pacquiao at si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach -- ilang sandali bago maganap ang homecoming ng beauty queen sa Novotel Hotel, Araneta Center, Cubao, Quezon City, ngayong Huwebes, April 14.

Inabutan pa ni Manny si Pia ng autographed pink boxing gloves na ikinatuwa naman ng Filipino-German beauty queen.

Ayon kay Pia, “unplanned” ang nasabing pagkikita nila ni Manny.

Nasa Pilipinas ang reigning Miss Universe para sa grand coronation ng Binibining Pilipinas 2016 sa Linggo, April 17, sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakabalik naman na sa bansa si Manny matapos ang kanyang pagkapanalo laban sa American boxer na si Timothy Bradley noong nakaraang linggo.

Sa grand presscon ng kanyang homecoming, natanong si Pia kung ano ang nangyari sa pagkikita nila ng Pambansang Kamao.

Ayon sa Miss Universe 2015, naging maikli lang ang pag-uusap nila ni Manny.

Pero naikuwento raw ni Pia sa boxing champ ang controversial tweet niyang igaganti niya ang pagkatalo nito kay Floyd Mayweather Jr. noong 2015.

Nang matalo kasi si Manny sa laban niya kay Mayweather ay nag-tweet si Pia na babawi siya sa Miss Universe, dahilan upang i-bash siya ng ibang netizens dahil sa umano’y taas ng kumpiyansa niya.

Read: Beauty queens Pia Wurtzbach, Olivia Culpo draw flak due to their social media posts after Pacquiao-Mayweather fight

Pero pagkalipas ng ilang buwan ay naiuwi nga ni Pia ang Miss Universe crown.

Lahad ni Pia, “Sabi ko sa kanya, ‘Congratulations on your victory. We’re very proud of you.

“'Hindi ko alam kung alam mo ‘to, pero nag-tweet ako nun. Sabi ko, ‘Babawi ako sa Miss Universe para sa ‘yo, kasi sobrang fan talaga ako.’

“I’m a big fan of Manny Pacquiao as a boxer, so I said that to him.”

Ayon naman daw kay Manny, alam niya ang tinutukoy na tweet ni Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, ikinuwento naman daw ni Manny na nang lumaban si Pia sa Miss Universe noong December 2015 ay naging emosyunal ang asawa niyang si Jinkee Pacquiao nang unang sabihing 1st runner-up lang ang Pinay beauty queen.

“He was telling me about how emotional they were ng asawa niya si Miss Jinkee nung first runner-up ako initially, and then eventually I was announced as the winner, na para bang roller-coaster of emotions.

“So, to me, I was very happy to be in his presence earlier.”

Dagdag pa ni Pia, “I admire him as a boxer.

“I think that if it is his last fight, it’s a great way to end it.

”And, up to this day, I’m still a fan of him as a boxer, although we might have different opinions on some things.

“But we’re both still Filipinos and, as a fellow Filipino, I’m proud of his victory for the Philippines.”  

Matatandaang binatikos si Manny nang ikumpara niya ang same-sex marriage sa mga hayop, habang very vocal naman si Pia sa pagsuporta sa LGBT community.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN