Aiza Seguerra and Liza Diño raise funds to bail out 77 detained Kidapawan farmers

Dahil sa kaawa-awang sinapit ng ilang mga magsasaka sa Kidapawan, North Cotabato, hindi nagdalawang-isip ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño na mangalap ng pondo para pampiyansa sa kanila. Wala na nga raw pambili ng bigas, saan naman daw kukunin ng mga gutom na magsasaka ang halagang P12,000 bawat isa para sila ay pansamantalang makalabas sa kulungan?


Marami ang pumuri sa ginawang campaign drive ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño para makalikom ng pondo para pampiyansa sa mga nakakulong na mga magsasaka ng Kidapawan, North Cotabato.

Sila ay mga napagbintangan ng direct assault at frustrated homicide kaugnay ng madugong dispersal sa mga magsasaka noong April 1 sa naturang probinsiya.

Umabot sa lagpas 80 magsasaka ang ikinulong: 45 na lalaki, 29 babae, 3 buntis, 3 senior citizens, at 8 naman dito ay kasalukuyang nasa ospital.

Ang kailangan nilang piyansa bawat isa ay P12,000.

Ang tanong ng karamihan: Saan nila kukunin ang naturang halaga gayong pambili nga ng bigas ay wala sila?

Ang nangyaring rally ng mahigit 6,000 magsasaka sa Kidapawan noong April 1 ay nag-ugat sa pagkalam ng kanilang mga sikmura.

Dahil dito, humingi sila ng ayudang bigas sa gobyerno, ngunit nauwi ito sa madugong sagupaan sa pagitan nila at hanay ng pulisya.

Dahil na rin sa awa, kaagad na kumilos ang aktor si Robin Padilla at nangalap ng tulong mula sa mga kapwa-artista upang makapagbigay ng saku-sakong bigas sa mga gutom na magsasaka ng Kidapawan.

Read: Robin Padilla names fellow celebrities who donated bags of rice to Kidapawan farmers

FUNDRAISING. Noong Martes, April 12, binatikos ni Liza Diño ang gobyerno, sa pamamagitan ng Facebook, dahil sa tila walang aksiyon nito sa kinahinatnan ng Kidapawan farmers.

Read: Liza Diño condemns Kidapawan incident; hits government for diverting issue

(Kahapon, April 14, ibinaba na raw sa P6,000 ang piyansa sa mga magsasakang nakakulong.)

Sa Facebook post naman ni Aiza Seguerra, ibinahagi nito ang larawang kuha ng Karapatan—isang alyansa ng mga taong nangangalaga sa karapatang pantao ng bawat Pilipino—sa mga nakakulong na mga magsasaka.

Kabilang na rito ang ilang matatanda at babaeng pinagbintangan ng direct assault at frustrated homicide.

Kaya naman ibinalita ni Liza ang magandang resulta ng kanilang ginawang fundraising para sa mga nakakulong na magsasaka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“GOOD NEWS FOR EVERYONE!!!

"We were able to raise funds to cover the whole amount of 546,000 to bail out our farmers!!!! Thank you LORD!!!

"Most came from artists from the entertainment industry and friends who readily gave their support but there were other groups who donated as well to fulfill the amount.

"MARAMING MARAMING SALAMAT SA TULONG NINYO!

"Dumalaw po kami sa mga nakulong kanina. Pinapahatid din po nila ang kanilang taos pusong pasasalamat sa pagpapakita natin ng suporta at pakikiramay. Malaking bagay po ito para sa kanila na malamang hindi sila nag-iis sa labang ito.

"Next step is to process their release. As of kanina, halos walang ID ang lahat dahil sinunog ang gamit nila or ang iba pinagkukumpiska during the rally so baka madelay lang ng konti ang paglabas nila but the lawyers are expediting the processing of documents for their immediate release.

"This is only the beginning. Mahaba-haba pa po ang journey na ito. The goal is for all these charges to be dropped at madismiss ang kaso---Pagpupugay para sa ating mga human rights lawyers from different groups like Union of Peoples Lawyers from Mindanao (Davao), KARAPATAN, Nat'l Union of People's Lawyers, at marami pa pong iba na boluntaryong binibigay ang kanilang serbisyo upang matulungan ang ating mga magsasaka. Wag po tayong bibitaw. Patuloy po nating ipakita ang ating pakikiisa sa kanilang laban upang makamit ang HUSTISYA.#‎BigasHindiBala"

Kabilang sa mga nagbigay ng tulong sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Ai-Ai delas Alas, at Dingdong Dantes.

Kahapon, April 14, lumipad patungong Kidapawan sina Aiza at Liza upang pangasiwaan ang pagpiyansa sa mga nakakulong na magsasaka.

Bago matapos ang araw kahapon, nag-update si Liza na may mga nakalaya na sa mga nakakulong na mga magsasaka.

Sabi niya, "Update: 26 out 77, marerelease today. The rest of them inaasikaso ang papeles para makakuha ng ID."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN