Joross Gamboa finally speaks up about video scandal: "Napanood niyo? O, di close na tayo!"

Joross Gamboa on handling temptations: "Ang temptasyon, hindi 'yan nilalabanan, tinatakbuhan 'yan. Dati kasi, siyempre kapag may babae diyan, 'Lalabanan ko ito, hindi ako mate-tempt dito!' Tatakbuhan mo na 'yan, halimbawa may usapan na or may sitwasyon na puwede kang [matukso]…"


Idinaan na lang sa biro ng aktor na si Joross Gamboa nang usisain siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kumalat niyang video scandal.

Read: Joross Gamboa's alleged video scandal goes viral

“Napanood niyo? O, di close na tayo!” bulalas ni Joross.

Pero dagdag din niya, “Basta yun, matagal na yun!”

Ano naman ang naging reaksiyon ng misis niyang si Katz Saga nang lumabas ang naturang isyu?

Sagot ng 31-year-old actor, “Hindi siya naano kasi alam niyang matagal na yun.”

Paano ito na-handle ni Katz?

“Wala, basta, ‘Nakita mo na?’

“Tapos siyempre naiiyak din ako nun.

“Tapos nangyari pa yun pauwi kami, sabi ko, ‘Bakit hindi ito nangyari bago ako umalis para…’

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika sina Joross nang kumalat ang video scandal niya.

Dagdag pa ng aktor, “Idinasal na lang naming dalawa, siyempre nag-pray na lang kaming dalawa nun.”

Nakausap ng PEP si Joross matapos ang pictorial niya para sa Juan Happy Love Story sa GMA Network Center noong April 14, Huwebes.

Kasama ni Joross sa upcoming Kapuso primetime series na ito sina Heart Evangelista at Dennis Trillo.  

POGI POINTS. Tinawanan din ni Joross ang opinyon ng iba na tila sa halip na makasira sa kanya ang naturang video, nakadagdag pa sa “pogi points” niya dahil naging mas desirable siya sa marami.

“Ay, salamat po! Ang dami ko nang ka-close!” tawa niya.

Wala raw naman siyang maibibigay na payo sa ibang kalalakihan kaugnay ng eskandalong kinasangkutan niya.

“Ito, hindi sa ano, ha… kahit anong advise mo kahit kanino naman, kapag yung nali**gan, hindi na nag-iisip ‘yan, e.

“Kaya ngayon, ang temptasyon, hindi ‘yan nilalabanan, tinatakbuhan ‘yan.

“Dati kasi, siyempre kapag may babae diyan, ‘Lalabanan ko ito, hindi ako mate-tempt dito!’

“Tatakbuhan mo na ‘yan, halimbawa may usapan na or may sitwasyon na puwede kang [matukso]…”

Na sa halip na labanan ay iwasan na lang daw ang tukso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagsisihan ba niya iyon?

Sagot ni Joross, “Siyempre, in a way, sana hindi…

“Kaya lang, hindi, lahat nangyayari for a reason kasi.

“Kumbaga, mas dagdag lesson yun sa akin.

“Tsaka minsan, it’s either matuto ka sa wisdom, sa mga experience sa ibang tao or sa sabi ng ibang tao, or sa sarili mong experience na tulad ng ganito.

“E, ilang beses na before mo ginawa yun, ilang beses ka nang sinabihan na, ‘O, huwag kang gagawa ng mga ganyan, puwede kang maano, ma-record, kumalat ‘yan, ganyan-ganyan.’

“E, hindi ka pa rin nakinig.

“Ibig sabihin, dun ka na matuto sa sarili mong kapamahakan.”

HAPPILY MARRIED. Ikinasal sina Joross at Katz noong November 2014 at mayroon na silang isang anak na lalaki.

“Of course, of course,” ang mabilis na sagot ni Joross sa tanong kung happily married sila ng misis niya.

Ano ang most endearing quality ng misis niya?

“Yung pagpapatawad niya sa akin nang paulit-ulit!” ang tumatawang sagot ng aktor.

“Hindi, sa akin ano, e, yung personality niya, na-handle niya ako sa lahat ng naging sitwasyon sa buhay ko.”

Na sinuportahan siya nito?

“Oo. Tsaka naayos niya ako, na-handle niya nang maayos.”

Kahit sa lowest points sa buhay ni Joross ay hindi raw bumitiw ang asawa niya.

“Hindi siya bumitiw at nilapit niya ako sa Diyos.

“Dati kasi, rock star ako, feeling ko immortal ako! Rock and roll!”

Ano ang pinakamagandang advice ng misis niya lalo na kapag may pinagdadaanan siya?

Saad ni Joross, “Pinaka ano niya yung inano niya ako sa church, inilapit niya ako.

“Kasi hindi siya yung… alam niya hindi siya yung makakaayos sa akin.”

Sa New Life, sa Alabang, Muntinlupa, ang church nilang mag-asawa; 2014 nang mapabilang si Joross dito.

Dating Katoliko si Joross.

“Pero kasi nun, ano siyempre, maka-Diyos ako pero hindi… kino-compromise ko si God. 

“Nira-rationalize ko yung mga kasalanan ko. Na, ‘Hindi naman ito ganun kasama!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo ikukumpara ko sa mas masama para hindi ako ma-guilty. Idadahilan ko na, ‘Hindi naman siya katulad nung ganito!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN