Miss World 2013 Megan Young and Miss USA 2015 Olivia Jordan reunite

Parehong naging malapit kina Miss World 2013 Megan Young at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach si Miss USA Olivia Jordan. Pareho ring tinalo ng dalawa si Olivia sa Miss World 2013 sa Indonesia at sa Miss Universe 2015 na ginanap naman sa Las Vegas, Nevada.


Naging malapit sa Pinay beauty queens na sina Miss World 2013 Megan Young at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang Miss Universe 2015 2nd runner-up na si Olivia Jordan.

Ito ay dahil parehong nakasama ni Olivia sina Megan at Pia sa mga naturang prestigious pageants: sa Miss World 2013 sa Indonesia kung saan napabilang sa Top 20 si Olivia at sa Miss Universe 2015 sa Las Vegas, Nevada, kung saan nagtapos naman siyang second runner-up.

Nitong nakaraang Sabado, April 16, dumating si Olivia sa bansa sa imbitasyon ni Pia upang maging hurado sa Binibining Pilipinas 2016 coronation night noong Linggo, April 17.

Read: Miss USA, Miss Malaysia, Miss Myanmar arrive in the Philippines to support Miss U 2015 Pia Wurtzbach

HAPPY TO SEE EACH OTHER. Kagabi, April 19, nagkita sina Megan at Olivia.

Base sa kani-kanilang Instagram posts, masasabing naging ‘pageants sisters’ na rin ang turingan ng dalawa.

Sabi ni Megan sa kanyang post: “So happy I got to see this doll last night! I'm so happy for all your achievements @theoliviajordan :) keep on spreading positivity where ever you go. Hope to see you soon!”

Nag-post din ng kaparehong larawan si Olivia pagkauwi nito sa New York ngayong araw, April 20.

Aniya, “Just landed back in NYC and I already want to go back to the #Philippines grateful for the experience and for the chance to catch up w/the gorgeous @meganbata happy for her and all the great work she is doing!!!!!”

Samantala, tila may separation anxiety pang nararamdaman si Olivia sa pag-alis niya ng Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN