Aljur Abrenica considers return to GMA Network as 'second coming'

All is well between Aljur Abrenica and GMA Network, and the actor says he has learned his lesson. "Ganito ko po nakikita yung nangyari, parang pagtatampo ng isang anak sa ama. Inaamin ko po na mali ang naging paraan po natin. Pero yung pinanggalingan ko po sa kamalian na yun, paninindigan ko po yun."


Buong-buo na ang pagbabalik ni Aljur Abrenica sa GMA Network ngayong siya ang bida sa bagong primetime series ng network na Once Again, kung saan si Janine Gutierrez ang leading lady niya.

Hindi naman kaila sa publiko ang muntik nang pag-alis ni Aljur sa Kapuso network noong 2014 na umabot pa nga sa korte.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Masasabi ba ni Aljur na ang pagbibida niya sa Once Again ay second chance niya sa GMA?

Sagot ng 26-year-old actor, “I don’t consider it as a second chance, I see it as a second coming.

“Pag sinabi kasing second chance it’s like you asked… binigyan ka na ulit ng pagkakataon.

“Second coming, walang nangyari.

“Kasi ang nangyari before… pag-uusapan pa natin,” pagtukoy niya sa naging isyu ng pagpapa-release niya ng kontrata sa GMA-7 noong 2014.

Konti?

“O, sige. Konti lang naman ito...

“Yung mga nangyari before, I don’t see it as negative as… nakikita ng iba.

“Ganito ko po nakikita yung nangyari, isa po siyang misunderstanding between… sa network and the artist.

“Nakikita ko po siya, parang pagtatampo ng isang anak sa ama.

“Natural po sa atin 'yan, nakikita ko po dahil tayo may sari-sarili po tayong sitwasyon.

“Hindi pagkakaintindihan sa pamilya, pero ang pinaka importante po sa akin yung pinanggagalingan.

“Kaya po tayo nag-aaway-away minsan dahil meron po tayo sa sarili natin na maganda sa pinanggagalingan natin.

“Hindi lang natin alam kung paano mapag-uusapan, mae-express yung mga sarili natin.

“Ang nangyari po sa amin ng network, ganun po yun.”

TALKING IT OVER. At napag-usapan naman nila ng GMA Network?

Ayon kay Aljur, “Napag-usapan po, pero sa nakikita ko po at sa mga natutunan ko po, sa takbo ng panahon na nawala po tayo, noon pa man naiintindihan nila.

“Naiintindihan na nila yung pinanggagalingan natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung ginawa natin was mali.

“Bilang isang ama, ganun din ang mga magulang sa anak nila pag nagkakamali, tinuturuan nila ng leksyon ‘yan, 

“Pero yung pinanggagalingan po natin, paninindigan ko po yun.”

Kumbaga ay inaamin ni Aljur na nagkamali siya?

“Opo! Sinabi po natin 'yan; inaamin ko po na mali ang naging paraan po natin.

“Pero yung pinanggalingan ko po sa kamalian na yun, paninindigan ko po yun dahil iyon po sa tingin ko ay tama at hindi po siya masama.”

SELF-KNOWLEDGE. Ano ang mga natutunan niya sa pangyayari?

Saad ni Aljur, “Ang pinakamagandang lesson na natutunan ko po sa nangyari, specifically ay nakilala ko po nang husto ang sarili ko.

“Pag sinabi ko pong nakilala, ngayon po alam ko na po kung ano ang gusto ko.

“Alam ko na rin po kung ano’ng ayaw ko.

“Kasi po, nakikita ko po yung pag-i-stay natin sa industriya, gusto ko po kasi, tumagal sa industriya, e.

“At mas malayo pa po yung marating natin.

“At masaya po kasi ako na nakakapagbigay ng kasiyahan sa mga taong nanonood sa atin.

“At alam ko pa po sa sarili kong marami pa po akong mase-share sa mga tao natin.”

PURPOSEFUL. Sabi nga ni Aljur ay nakilala na niya ang sarili niya, sino siya sa pagkakakilala niya?

“Sigurado kung gusto mong sagutin ko 'yan, isang oras tayo,” balik ni Aljur.

“O, sige, sasagutin ko 'yan nang kaya ko, ha?

“Sino si Aljur sa pagkakakilala ko? Gusto ko, si Aljur ay may purpose sa mundong ito.

“As much as possible na may maiko-contribute si Aljur sa industry.

“Dahil mahal niya ito at ang bansang Pilipinas, ibibigay niya para sa ikabubuti ng pangkalahatan at ng film and TV industry natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN