Sam Milby flattered to be Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach's crush

Sam Milby on the possibility of pursuing Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach: "Ayaw ko naman na sabihin na dahil Miss Universe na siya, liligawan ko na siya."


Sobrang flattered daw si Sam Milby at itinuturing siyang crush ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa kanyang past interviews, kabilang na ang pinakahuling fast talk with Boy Abunda, laging sinasabi ng Pinay beauty queen na ang Kapamilya actor ang kanyang celebrity crush.

Sa press conference ng Doble Kara noong Biyernes, April 23, ipinarating ito ng entertainment press kay Sam.

“Sobrang flattering talaga,” sambit niya.

Ayon kay Sam, matagal na silang magkakilala ni Pia.

“It's so funny kasi I've known her for eight years. Yeah, I've known her for a very long time.”

Kung gayon, tanong ng reporters, hindi ba niyang naisipang ligawan ang reigning Miss Universe?

Well, parehas kaming may karelasyon at that time.

It's just that it never happened that way,” sagot ni Sam.

Kung sakali raw, magandang foundation sana ng relasyon ang pagiging magkaibigan nila.

“If ever, it would be a good foundation because we have a good friendship.

You know, we still keep in touch.

“May mga times na hindi kami masyadong nag-uusap. But we used to be quite close naman.”

Sa ngayon, hindi nakikita ni Sam na magandang ideya ang ligawan si Pia.

Kasalukuyang idine-date ng Pinay beauty queen ang tinaguriang “sexiest doctor alive” na si Dr. Mikhail “Mike” Varshavski.

Katuwiran pa ni Sam, “Well, the thing is, bilang friend niya, I've known her for such a long time, I find it a bit flattering na vocal siya, you know, sa fast talk with Boy Abunda. I'm very flattered.

Yun, I've know Pia for a very long time, napakaganda at napakag-genuine na tao.

But, ayaw ko naman na sabihin na dahil Miss Universe na siya, liligawan ko na siya.

Hindi dapat ganun, e. If I really want to do it, dapat taus-puso, hindi dahil lang Miss Universe siya.”

IS SAM STILL DATING MARI JASMINE? Samantala, hindi naman naiwasang matanong si Sam sa estado ng relasyon nila ng non-showbiz girl na nakita noon sa kanyang anniversary concert, si Mari Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Sam Milby's mystery girl shows up at his 10th anniversary concert

Umiwas si Sam na sagutin ang tanong.

Sa halip, sabi niya, “I've been keeping that part of my life private. Wala, ayaw ko pang i-share.”

Pero tuloy pa rin ang ugnayan nila?

Nakangiting sabi ng aktor, “Wala, ayaw ko ng isyu. Hindi pa.

“In the future? I'll share in the future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN