Jasmine Curtis-Smith finally confirms relationship with Jeff Ortega

Inamin na sa wakas ni Jasmine Curtis-Smith na may relasyon na sila ni Jeff Ortega, isang young businessman at mula sa angkan ng mga maimpluwensiyang pulitiko sa La Union.


“Oo.”

Ito ang diretsong tugon ni Jasmine-Curtis Smith sa tanong ni Vice Ganda kung sila na ba ni Jeff Ortega.

Si Jeff ay galing sa maimpluwensiyang Ortega political clan ng La Union at ngayon ay nagpapatakbo ng sarili nitong mga negosyo sa naturang probinsiya.

Naging panauhin ni Vice si Jasmine at ang ate nitong si Anne Curtis sa Gandang Gabi Vice kagabi, April 24.

Pagpapatuloy ito ng birthday episode ng TV host-comedian kung saan ang mga magkakapatid na kaibigan niya ang kanyang mga panauhin.

Aprubado naman daw kay Anne ang bagong boyfriend ng nakababatang kapatid.

Sabi ng It’s Showtime host, “Oo, maasaya ako. Masaya ako. Mabait talaga.”

Bukod sa panunuyo ni Jeff noon kay Jasmine, niligawan din daw ng binata ang pamilya ni Anne.  

Dagdag pa ni Anne, “Parang nakikilala ko na siya before pa. Tapos mabait siya.

“Tapos nakikita ko kung paano siya um-effort kay Daddy, kay Mommy, kay Balong… cute.”

Sa Instagram, tila hindi na rin itinatago ni Jeff ang pagmamahal niya kay Jasmine.

#GoodBoyfriend ???

A photo posted by Jeff Ortega (@jeffortega) on

Happiest of birthdays my love! Stay happy ???

A photo posted by Jeff Ortega (@jeffortega) on

This is our year travel buddy! Can't wait for next month ???

A photo posted by Jeff Ortega (@jeffortega) on

Read: Jasmine Curtis-Smith spotted being 'cozy' with non-showbiz guy


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN