Pia Wurtzbach and Dr. Mike go on a helicopter date around New York City

Muling pinakilig nina Dr. Mike at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kanilang mga tagahanga dahil sa bago nilang larawan, kung saan nag-date ang dalawa sa New York sakay ng isang helicopter.


Matapos amining exclusively dating na sila ni Mikhail Varshavski o Dr. Mike, muli namang kinilig ang fans ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nang muli silang nag-date ng tinaguriang “sexiest doctor alive” ng People magazine nitong Lunes, April 25.

Kagagaling lang ni Pia sa bansang Peru kung saan kinoronahan niya ang nanalong Miss Peru 2016.

Sa Instagram account ni Dr. Mike, nag-post siya ng larawan nilang dalawa ni Pia kung saan inikot daw nila ang New York City sa pamamagitan ng pagsakay sa isang helicopter.

Ayon kay Dr. Mike, “Yesterday, helicoptering around #nyc #staycation @piawurtzbach.”

Yesterday, helicoptering around #nyc #staycation @piawurtzbach

A photo posted by Dr. Mike (@doctor.mike) on

Sa Twitter, nagbahagi rin si Dr. Mike ng larawan nilang dalawa ni Pia sa loob ng chopper.

Wala mang post si Pia sa kanyang social media accounts, makikita naman sa isang larawan ang kaparehong damit na suot niya sa kanilang helicopter date ni Dr. Mike.

Sa naunang panayam kay Pia, inamin nitong nililigawan siya ni Dr. Mike na kahalintulad ng panliligaw ng mga Pilipino.

Nag-a-adjust pa din daw ito sa kultura at kaugalian nating mga Pinoy.

Pero wala pa ring linaw kung sila na bang dalawa.

Read: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach finally admits exclusively-dating status with Dr. Mike Varshavski


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN