Luis Manzano dismisses rumor linking him to Jessy Mendiola

Luis Manzano on his birthday wish: "Siguro for my parents, kasi di biro ang tinatahak nilang landas ngayon. My mom, dad, and Tito Ralph, silang tatlo, so sana safety. Para sa akin, okay na ako. Ang lambing ko na lang na birthday wish, safety and the best of health para sa kanila. Of course, sana victory."


Nagulat daw si Luis Manzano sa isyung nag-uugnay sa kanila ng kapwa niya Kapamilya talent na si Jessy Mendiola.

Nagsimula ito dahil sa Instagram post ni Jessy noong April 21, kung saan binati niya si Luis ng ‘Happy Birthday.’

Dahil dito ay may ilang netizens ang nag-akalang may espesyal na namamagitan sa kanila.

Pahayag ni Luis tungkol dito, “In anything I answer, may magre-react.

“Saka yung mga ganyan, nakakasira ng relationship ang mga ganyan.

“Sabi ko nga, ang taong naghahanap ng mali, makakahanap ng mali.

“Don’t get me wrong, she’s a wonderful lady, she’s a beautiful lady.

“Pero pag ganyan nga, hahaba at hahaba pa ang kuwento.”

Dagdag pa ng TV host-actor, “I admire everything about her, everything about Jessy.

“Nakaagulat na ganun na kaagad at nakita na mag-dyowa na raw kami.

“Napa-text ako sa kanya, ‘Hi, dyowa!’ Natawa lang siya.”

Napag-alaman ng PEP na kuha ang Instagram post ni Jessy sa mini-salubong para sa kaarawan ni Luis, kung saan may iba pang mga bisitang nag-post ng pictures nila with Luis.

Saad pa ng Kapamilya star, “Nagtataka nga ako kung bakit hindi naisyu sa akin sina MJ Lastimosa, Bea Rose Santiago... yung mga nag-post ng pictures.

“Nakakagulat lang, but still, thank you.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Luis sa taping ng Family Feud sa ABS-CBN, noong Lunes, April 25.

SUPER CLOSE. Pinabulaanan ni Luis ang balitang lumalabas sila ni Jessy on a date.

Sabi niya, “Lumabas kami? Hindi pa nangyayari yun.

“Actually, before ko siya nakasama sa birthday ko, two months ko siyang hindi nakita, sa ASAP ko lang siya nakikita.

“She’s a good friend, don’t get me wrong, halos magka-text kami.

“Pero yun nga, nakakatawa na ganun agad ang issue.”

Si Luis ang nabalitang katabi sa eroplano at nagtanggol noon kay Jessy laban kay Enrique Gil sa biyahe ng ASAP performers papuntang London noong September 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Sa nasabing biyahe nagsimula ang closeness ngayon nina Luis at Jessy.

Ayon kay Luis, “Sabihin na natin, not for me to bring up the past, pero iba rin yung naging bonding namin.

“Sabihin na natin na iba ang naging bonding namin ni Jessy on the way to the UK para sa ASAP.

“Magkaibigan na kami dati pa, pero dun sa nangyari na yun, dun kami naging super close.”

Naitanong din ng PEP kay Luis kung bakit “Chokie” ang tawag sa kanya ni Jessy.

Sagot niya, “Siya ang tanungin ninyo kung bakit Chokie.

“Siya ang mas makakasagot kung bakit Chokie.”

Sa kabila ng mga pahayag ni Luis na magkaibigan lang sila ni Jessy, puwede ba siyang mahulog sa isang kaibigan?

Tugon niya, “Sabi ko nga, she’s a beautiful lady. Any guy would consider lucky to have Jessy on their own.”

Parehong single ngayon sina Luis at Jessy.

Si Luis ay break na sa kanyang longtime girlfriend na si Angel Locsin, habang si Jessy naman ay nagtapos na rin ang relasyon kay JM de Guzman.

Incidentally, parehong nagkabalikan ang mga relasyon nina Luis at Jessy kina Angel at JM, respectively.

BIRTHDAY BOY. Halos magkasunod lang ang birthday ni Luis at ng ex-girlfriend niyang si Angel Locsin.

Kung si Luis ay nagdiwang ng kanyang 35th birthday noong April 21, si Angel naman ay ipinagdiwang ang kanyang 31st birthday noong April 23.

Ayon kay Luis, binati niya si Angel noong kaarawan nito at ganun din ang aktres noong siya naman ang nag-birthday.

“Yes, I greeted her on my birthday, she greeted me on my birthday.

“Hindi naman kailangang public ang batian namin.

“Hindi naman kailangang may fireworks. Hindi naman kailangang may mga posts on social media.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa kanyang kaarawan, wala raw hiling si Luis para sa sarili kundi para sa kanyang mga magulang na sina Vilma Santos at Edu Manzano.

Parehong tumatakbo ngayong May elections ang mga magulang ni Luis; si Vilma bilang congresswoman ng Lipa City at si Edu bilang senador.

Ganun din ang stepfather ni Luis na si Senator Ralph Recto.

Pahayag niya, “Siguro for my parents, kasi di biro ang tinatahak nilang landas ngayon.

“My mom, dad, and Tito Ralph, silang tatlo, so sana safety.

“Para sa akin, okay na ako.

“Ang lambing ko na lang na birthday wish, safety and the best of health para sa kanila.

“Of course, sana victory.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN