Kris Aquino on alleged Abu Sayyaf kidnap plot: "I'm really not in any position to say more."

Ayon kay Kris Aquino, ayaw na niyang magdagdag ng anumang impormasyon kaugnay ng kidnap plot diumano sa kanya upang maiwasang tuluyan pa siyang maging target ng anumang pagbabanta.


Hangga’t maaari ay ayaw nang magsalita ni Kris Aquino kaugnay ng kidnap plot diumano sa kanya ng grupong Abu Sayyaf.

Maliban kay Kris ay may banta rin daw sa kaligtasan sa mga anak ng TV host actress at pati na sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at sa mga anak nito.

Ito ang isiniwalat ng kapatid ni Kris na si Pangulong Noynoy Aquino sa isang official statement na inilabas sa media kahapon, April 27.

Read: PNoy reveals Abu Sayyaf plot to kidnap Kris Aquino, Manny Pacquiao

Pagkatapos lumabas ang official statement ni PNoy tungkol dito ay sinubukan ng editor-in-chief ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Jo-Ann Maglipon na kunan ng pahayag si Kris.

Ngunit tumangging magbigay ng opisyal na pahayag ang bunsong kapatid ng pangulo, kagaya rin nang tumanggi siyang magsalita kaugnay ng isyung paggamit niya diumano ng presidential chopper sa pangangampanya para sa Liberal Party.

Alinsunod na rin ito sa naging pahayag noon ni Kris na mananahimik muna siya upang pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan at ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.

Nagpahinga rin muna siya sa kanyang pagtatrabaho at hindi na nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN.

Kapansin-pansin ding hindi na gaanong nagpu-post sa kanyang social media account ang TV host-actress.

Read: PEP EXCLUSIVE. Kris Aquino decides to take a hiatus from showbiz for health reasons

Ngayong Huwebes, April 29, ay muling sinubukan ng PEP na kunin ang panig ni Kris pagkatapos pagdudahan ng ilang mga kritiko ang diumano’y kidnap plot laban sa Queen of All Media at sa mga anak nito.

At sa wakas ay nagpaunlak ng maikling pahayag si Kris sa pamamagitan ng text message.

Ayon kay Kris, ayaw na niyang magdagdag ng anumang impormasyon upang maiwasang tuluyan pa siyang maging target ng anumang pagbabanta.

Dagdag pa niya, “All things are temporary, but getting through the tough times unscathed and with faith and dignity intact is really one of life's challenges that I just need to hurdle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I hope you understand that I'm really not in any position to say more.”

Narito ang kabuuang pahayag ni Kris sa PEP:

“My blood pressure today was elevated again, 140/95. I had a migraine for most of the afternoon.

“I don't want to add any information because I just don't want to continue making myself a target.

“All things are temporary, but getting through the tough times unscathed and with faith and dignity intact is really one of life's challenges that I just need to hurdle.

“I hope you understand that I'm really not in any position to say more. Good night.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN