Liza Soberano defends Enrique Gil over viral photo: "He was just protecting me from people grabbing."

Liza Soberano: "I don't know why nalagyan ng malisya… he was just protecting me from people grabbing. He was just covering me from them. Yung mismong nag-post, siguro sa kanya nagsimula yun."

 


Nagsalita na si Liza Soberano tungkol sa viral photo nila ng kanyang ka-love team na si Enrique Gil.

Marami ang nag-react sa kumalat na larawan kung saan tila dumapo ang kamay ni Enrique sa dibdib ni Liza habang naglalakad ang dalawa sa station ID shoot ng ABS-CBN na ginanap sa University of Sto. Tomas.

Read: Did Enrique Gil really touch Liza Soberano's boobs in viral photo?

Pahayag ni Liza, “Sa akin lang, ginawang big issue, like some websites posted photo that was scanning around.

“Pero mayroon ding photo from the other angle showing the truth behind it.

“I don’t know why nalagyan ng malisya, like we would do that in public place lalo.  

“We wouldn’t do it talaga kahit saan kami.”

Diin pa ng Kapamilya star, “I don’t know why kailangang lagyan ng malisya.

“He was just protecting me from people grabbing.

“Kasi whenever we go on tours or something, there are a lot of people.

“They tend to grab me in my chest area, he was just covering me from them.
   
“Sabi pa nila nakasimangot ako kasi hinawakan niya ako and tuwang-tuwa pa siya.

“Baka yung mismong nag-post, siguro sa kanya nagsimula yun.

“Sana huwag ganun, dapat hindi na.”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Liza sa Dolce Amore Destiny Tour Kick Off, na ginanap sa Lapu-Lapu Shrine, Luneta Park, kahapon, May 1.

SWARMING FANS. Kahit katanghaliang tapat ay dinagsa ng maraming tao ang nasabing event.

Dito ay masayang nagkuwento si Liza tungkol sa naging taping nila sa Italy kamakailan para sa ilang mahahalagang eksena ng Dolce Amore.
   
“Mayroong ibang places around the Philippines, pero ang pinaka-highlight namin ay yung out-of-the-country [scenes] sa Italy, London, Germany, Paris.
   
“Yung taping namin, grabe, nakakatuwa, kasi feeling namin, international stars kasi may mga tagahanga sa ibang countries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang masasabi ko lang, iba talaga ang mga Pinoy.

“Basta Pinoy, parang may koneksiyon ka kaagad, they will go out of their way just to see us.”

Inaabangan naman ng LizQuen fans kung may aaminin na kaya sina Liza at Enrique sa sandaling umuwi sila ng Pilipinas.
  
Pero ayon kay Liza, “Darating din yun, sa tamang panahon.”
 
Dumating na rin pala ang flying board na birthday gift ni Liza para kay Enrique.

“Kasi nga mahilig siya sa beach saka naisip ko, parang may kulang pa sa beach nila na pampasaya.

“So I try researching what I can give to him so yun ang naisip ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN