Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao break up

Hindi na matutuloy ang kasal ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa arkitektong si Conrad Onglao dahil hiwalay na sila. Ayon pa sa report, umalis na raw si Zsa Zsa sa bahay ni Conrad sa San Lorenzo Village at bumalik na sa bahay niya sa Marina.


Kumpirmadong nakipaghiwalay na si Zsa Zsa Padilla sa arkitektong si Conrad Onglao.

Ayon sa report ng Abante Tonite columnist at talent manager na si Noel Ferrer, dumalo si Conrad sa renewal of vows nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos noong Sabado, April 30.

Si Conrad ang arkitekto ng beach house nina Ryan at Judy Ann sa San Juan, Batangas.

Dahil mag-isa lang na um-attend ng event, hinanap ng ibang mga bisita si Zsa Zsa kay Conrad.

Sinabi raw ni Conrad na may taping ang Divine Diva ng ABS-CBN primetime series na The Story of Us.

Nagkataon namang maraming taga-Kapamilya Network ang dumalo rin sa renewal of vows nina Ryan at Juday, kaya tinanong ang mga ito kung may taping nga ba si Zsa Zsa kaya hindi nakapunta.

Ngunit ayon sa mga napagtanungan, walang taping ang Divine Diva noong araw na yun.

Nadiskubreng umalis na pala si Zsa Zsa at iniwan na ang lugar nila ni Conrad sa San Lorenzo Village sa Makati City.

Bumalik na raw ang singer-actress sa tahanan nila noon ni Dolphy sa Marina, sa ParaƱaque City.

Doon nakumpirmang hiwalay na ang magkasintahang engaged at ikakasal na sana sa Florence, Italy, latter part of this year.

Read: Zsa Zsa Padilla engaged to architect boyfriend Conrad Onglao

Kinumpirma rin ng panganay na anak ni Zsa Zsa na si Karylle ang balita nang makapanayam siya ng press sa isang pagtitipon para kay Liberal Party standard-bearer Mar Roxas ngayong hapon, May 3.

Ayon kay Karylle, "[Zsa Zsa] called off the engagement."

May sakit daw ngayon ang Divine Diva at nagpapagaling sa bahay nito.

Humiling din si Karylle sa mga tao na ipagdasal ang paggaling ng kanyang ina at nakiusap din itong bigyan ng privacy.

Tumagal ng mahigit dalawang taon ang relasyon nina Zsa Zsa at Conrad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN