Karylle confirms mom Zsa Zsa Padilla called off engagement to Conrad Onglao

Karylle requested for prayers for her mom Zsa Zsa Padilla who recently called off her engagement with ex-fiance Conrad Onglao. The singer-actress also asked people to give her mom privacy and allow her to heal.


Hiniling ni Karylle na bigyan ng privacy at hayaang magpagaling muna ang kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla matapos makumpirmang hiwalay na ang Divine Diva sa fiancé nitong si Conrad Onglao.

Read: Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao break up

Sabi ni Karylle, “It’s very sad kasi she called off the engagement.

“She’s back home and yun siguro, let's just give her to time to just really process things and heal.”

Nakatakda sanang magpakasal sina Zsa Zsa at Conrad sa Florence, Italy later this year.

Pahayag pa ng panganay na anak ni Zsa Zsa, “Siyempre ang hirap, hindi ko ma-imagine...

“Kanina pinag-uusapan natin ang bashers, madaming sumasali sa kuwento mo, ng buhay mo.

“Maganda siya in a sense na nagiging malapit tayo sa mga tagahanga, pero may mga moments katulad nito na kailangan lang maging private.”  

Pakiusap pa ng It’s Showtime host, “Kung okay lang, I’ll ask for your prayers and also siguro the time to be alone and private about it.”

Para masuportahan ang ina, binibisita raw ito ni Karylle; kagaya ng surprise visit niya sa taping ni Zsa Zsa ng The Story of Us.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters si Karylle sa celebrity gathering ng mga sumusuporta kay presidential candidate and former DILG Secretary Mar Roxas sa Mesa Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, ngayong Martes, May 3.

REASON FOR BREAKUP. Inusisa rin si Karylle kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nina Zsa Zsa at Conrad at kung maayos ba ang paghihiwaly ng mga ito.

Sagot niya, “Actually, wala akong masyadong alam [with] the details masyado. I’ll leave it to my mom to explain.”

May posibilidad bang magkabalikan ang kanyang ina at ang arkitekto?

“I don’t know... I don’t think so, but that’s not really for me to say.”  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi rin ng singer-actress na dalawang linggo nang hiwalay sina Zsa Zsa at Conrad.

“Ay, hindi naman yata. Hindi ko alam, parang hindi naman.”

Para sa mga sumusuporta sa kanyang ina, muling pakiusap ni Karylle, “I would like to request na for prayers, kung puwede, and let’s give her the space to heal properly.”

Sinabi naman ni Karylle na hindi siya nagagalit sa nangyari sa kanyang ina.

“Siguro dumating na ako sa stage na mature na ako.

“Pag may hindi nag-work out, hindi na ako nagagalit.

“I’m more of protective of my mom.

“Sa hinhin kong ito, I’m protective of my mom.”  

ON POLITICS. Samantala, naninindigan si Karylle sa kanyang desisyong suportahan ang Liberal Party standard-bearer na si Mar Roxas sa pagka-presidente.

Pahayag niya, “Medyo tahimik ako pagdating sa pulitika.

“Pero there are times we have to stand up and be counted. Ngayon yun.

“I feel strongly about presidential Mar Roxas. Gustung-gusto ko siya.

“Alam mo, mahabang proseso ang pinagdaanan ko at talagang siya ang pinili ng puso ko.

“Lahat ng mga tanong, nasagot. Lahat ng binatikos sa kanya, binigyan ng linaw.

“I’m happy na kahit na naging matagal yung pag-iisip ko talaga, very solid yung stance ko na siya ang gusto ko.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN