Derek Ramsay dismisses rumored breakup with Joanne Villablanca

Derek Ramsay on girlfriend Joanne Villablanca: "One thing I like about Joanne, she has her priorities. And her priority is her daughter, and I love that about her. And, you know, she's not throwing all the time around me. I would be concerned na may anak siya, ang lahat ng oras niya ay sa akin nababato. 'Cause she's a mother, and she has a responsibility being a mom. She's balancing her time well with her child, herself, and her relationship."


Mariing itinanggi ni Derek Ramsay na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Joanne Villablanca.

Nagsimula ang balita tungkol dito dahil sa tila 'hugot lines' na post ni Joanne sa sarili nitong Instagram account.

Busy busy man come home na! Soph and I are waitingggg. Pa cute mo dito btw ??? @ramsayderek11 #molemolemole

A video posted by Joanne Villablanca (@villablancs) on

Reaksiyon ni Derek tungkol dito, “No, nakita niyo ba yung posts niya sa Holy Week namin sa Palawan?

“Her post was only two days ago.

“That picture was month ago, sa Holy Week, but she posted it two days ago, and she was like, 'Hoy, uwi ka na. Puro ka na lang trabaho.'

“Parang it's like a cariño-brutal, para sa kanya, yun ang lambing niya.”

Isa pa raw sa tingin ni Derek kung bakit may isyung ganito ay dahil hindi sila mahilig i-post sa social media ang mga pinagsasaluhan nilang oras together.

Ayon sa actor-athlete, “Baka nga hindi rin kasi kami ma-post sa Instagram about the two of us.

“Meron kaming mga away, tampuhan, pero we don't go public about it.

“But if you noticed, hindi ako ma-post as I was before tungkol sa relationship.

“She's busy, and yung pictures nga sa Holy Week, ganun, yun siya, e.

“Ganun din ako maglambing, mangungurot ako.

“Alam mo yung carño brutal, yung mang-aasar ka, tapos mapipikon.

“Tapos kapag napikon na, dun mo lalambingin,” pabirong sabi pa ni Derek.

Tiniyak ng aktor sa publiko na walang problema sa mahigit isang taon na nilang relasyon ni Joanne.

Aniya, “Yeah, we're good.

“Yun lang ang parang lambing niya na, 'Hoy, magpakita ka naman.'

“So, Mother's Day [May 8] is around the corner, so I wanna spend time with her.

“My mom and sisters are all mothers, and we're gonna go on a trip together in June, to UK [United Kingdom], my hometown.

“So I’m gonna show her [Joanne] where I came from.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa presscon ng pelikulang My Candidate, na ginanap sa 55 Events Place, sa Quezon City, kahapon, May 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pelikulang ito ang una nilang pagtatambal ni Shaina Magdayao sa direksiyon ni Quark Henares under Quantum Films, showing on May 11 nationwide.

NOT TRUE. Kasunod nito, itinanggi rin ni Derek ang balitang nasasakal na raw siya sa relasyon nila ni Joanne.

Giit ng hunky actor, “Hindi nga yun laging nakabuntot, at hindi siya pumupunta sa tapings.

“Kung pumunta man siya sa taping, yung malapit na sa cut-off.

“One thing I like about Joanne, she has her priorities.

“And her priority is her daughter, and I love that about her.

“And, you know, she's not throwing all the time around me.

“I would be concerned na may anak siya, ang lahat ng oras niya ay sa akin nababato.

“’Cause she's a mother, and she has a responsibility being a mom.

“She's balancing her time well with her child, herself, and her relationship.”

Pero nare-realize din daw ni Derek na kailangang punuan niya ang kanyang mga pagkukulang sa relasyon nila ni Joanne.

Pahayag niya, “Most definitely.

“And, at the same time, she knew naman na she got into a relationship na magiging ganito.

“That's why we didn't jump into the relationship right away.

“So, yung trip namin sa June 19 to 29, it's a big reset back for us.

“I will take her to where my school is, where I was born, and again, she'll have to share her time with my competition.

“But at least, may oras din kami away from the limelight, away from the stress, and we can do whatever we want.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN