Sunshine Cruz baffled by Cesar Montano's recent statements

Sunshine Cruz on being friends with estranged husband Cesar Montano: "Sino bang may ayaw na maging magkaibigan kami for the sake of the children? But unfortunately, it's just so difficult right now because of what he is doing and saying."


Nagsalita na si Sunshine Cruz tungkol sa pahayag ng kanyang estranged na si Cesar Montano na bagamat hindi niya nakikita ang kanilang tatlong anak na babae ay hindi niya nakakalimutan ang kanyang responsibilidad bilang isang ama.

Sa katunayan nga raw ay bayad na ang tuition ng kanyang mga anak para sa isang buong taon.

Ipinakita pa nga ni Cesar ang mga tsekeng ibinayad niya sa kanyang Facebook post kamakailan.

Read: Cesar Montano still fighting for his right to see children with Sunshine Cruz

Nang makausap ng PEP.ph at Cinema News si Sunshine sa Dolce Amore Destiny Tour Kick Off, sa Luneta Park, noong Linggo, May 1, kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa naging pahayag at aksiyon ng asawa.

Sabi ng aktres, “E, di wow, thank you.

“Obligasyon naman siguro ng kahit na sinong tatay yun.

“Salamat sa suporta mo sa eskuwelahan ng mga bata.”

Ayon kay Sunshine, nakarating sa kanya kaagad ang interview ni Cesar na lumabas dito sa PEP, at palaisipan daw sa kanya kung bakit nagsasalita ngayon ang aktor.

“Nasa plane pa lang ako, may Wi-Fi kasi pauwi from Italy.

“Kasi sa totoo lang, you know that, hindi ako nagsasalita when it comes to that because we have a gag order.

“So, I don’t understand why he’s talking now.

“But whatever it is, I still wish him well kung anuman ang plano o gusto niya na bigla na naman siyang nagsalita.

“I just hope he’ll be happy for the kids.

“The kids are okay with me, they are fine, they are doing good in school.

“Hopefully, sooner or later, gugustuhin ng mga bata na makita siya.

“Pero for now, huwag na niya munang puwersahin.”

WISH TO BE FRIENDS. Ano naman ang masasabi ni Sunshine na pakiramdam ni Cesar ay vindicated siya dahil na-dismiss ang child abuse case na isinampa ng aktres laban sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Sunshine, “E, di wow din, but it doesn’t mean tama o mali yun.”

Sa interview rin ni Cesar, sinabi nitong bilang isang ama ay hiling niyang magkaayos at maging magkaibigan sila ni Sunshine para na rin sa kanilang mga anak.

Pahayag ng aktres tungkol dito, “Gustung-gusto ko, gustung-gusto ko, pero right now, it’s just difficult kasi ang dami niyang sinasabi.

“Ang dami niyang sinasabi, tatlong taon na kaming hiwalay.

“Sino bang may ayaw na maging magkaibigan kami for the sake of the children?

“But unfortunately, it’s just so difficult right now because of what he is doing and saying.

“Ako na lang, may sinabi ba ako kahit kailan sa inyo? Wala naman, e.

“Kasi respeto na lang sana sa mga bata.

“Pero since inumpisahan niya, ang hihilingin ko na lang sana sa kanya, respeto na lang niya ang mga bata.”

SUNSHINE'S LOVE LIFE. Nang tanungin si Cesar kung ano ang magiging reaksiyon niya kung magkaroon na ng boyfriend si Sunshine, nagbiro itong magpapadala siya ng lobo at ng cake at magpa-party siya pag totoo nga ito dahil lahat naman daw ay may kaparatang sumaya at lumigaya.

Reaksiyon naman dito ni Sunshine, “Papalobo siya? Hindi ko naman kailangan ng lobo at cake, kaya ko namang bumili ng cake.

“Ako rin naman, ganun din naman ang sinabi ko, everybody deserves to be happy.”

Hindi naman itinatago ni Sunshine na may mga nagpaparamdam na gustong manligaw sa kanya ngayon, pero hindi raw ito ang prayoridad niya.

“I would be a liar if I deny na mayroon siyempreng mga nagpaparamdam.

“Kahit naman sino, kahit na ordinaryong tao, pag nalaman na single ka, mayroon talaga diyang mga poporma.

“For now talaga, work ang aking prayoridad and my kids. I have three kids, tatlo yun.

“I just want to set a good example hangga’t maaari sa mga bata at ayokong magpakita ng kung sinu-sinong boylets sa kanila, kasi baka pa gayahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, hanggang di ako sure sa lalaki na ito, kung sinuman ang manligaw at kung sinuman ang mapusuan ko, hindi ko ihaharap sa mga anak because I don’t want them to be confused.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN