Sharon Cuneta saddened by breakup of Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao

Si Sharon Cuneta ang nagpakilala kina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao sa isa't isa kaya marami ang curious malaman kung ano ang masasabi ng Megastar tungkol sa breakup ng dalawa. Pero ayon kay Sharon, "I don't want na ma-papel, so I don't want to ask muna. Baka may pinagdadaanan yung tao na masakit tapos mangingialam ka pa."


Bilang kaibigan nina Zsa Zsa Padila at Conrad Onglao, ayaw magbigay ng sarili niyang opinyon si Sharon Cuneta sa dahilan ng paghihiwalay ng dalawa ilang buwan bago sana ang kanilang nakatakdang pagpapakasal.

Read: Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao break up

Kung matatandaan, ang Megastar ang nagpakilala sa dalawa noong panahong kinuha niya si Conrad bilang arkitekto sa ipinagagawa niyang bahay, habang si Zsa Zsa naman ay nangungulila pa sa pagkamatay noon ng longtime partner nitong si Dolphy.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sharon sa thanksgiving dinner para sa kanyang asawa at senatoriable na si Francis 'Kiko' Pangilinan, na ginanap sa Celebrity Sports Club, sa Quezon City, kahapon, May 4, inalam namin kung nagkausap na sila ng kaibigan niyang si Zsa Zsa.

Pahayag ni Sharon, “Hindi pa nga, e.

“Actually, hindi ko siya ma-text, kanina ko lang nalaman [tungkol sa breakup]. Hindi ko pa sila ma-text.

“Pareho ko silang kaibigan, pero siyempre, mas close sa akin si Zsa Zsa.”

Ano ang naramdaman niya nang malaman ang balitang ito?

Mabilis na sagot ng actress-singer, “Of course, I'm sad.

“I am sad for a friend whom I'm expecting is going through a heartache right now.

“Pag ganyan, you don't bother them muna.

“You let them... you give them time to mourn.

“Parang huwag ka munang pasok, di ba?

“Let them ano... tapos after a little while, then you can ask a little.”

Patuloy pa ni Sharon, “I'm not kasi ma-papel, e. I'm not...

“Kanina ko lang nalaman, hindi pa kami nakapag-usap.

“So, yung statement ni Karylle, yun din ang narinig ko.

“So I don't want na ma-papel, so I don't want to ask muna.

“Baka may pinagdadaanan yung tao na masakit tapos mangingialam ka pa.

“Ano yun? This is a recording na paulit-ulit. Uulitin niya na ‘kasi ganito ang nangyari.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ayoko muna.”

Gusto raw kasing malaman ng publiko ang sentiments ni Sharon dahil siya ang nagpakilala sa dalawa.

Reaksiyon ng Megastar, “Well, they have a wonderful time together, that I'm sure of.

“They had a wonderful more than a year together, so I think, you know…

“There are relationships that come and go, there are relationships that come and stay.

“So, well... hindi pa rin natin alam if it's meant to be or not.

“Siguro kanila na lang yun.

“Kumbaga, sa akin, ‘What can you say, Sharon?’

“Not of mine, none of what, none of your business!” sabay tawa ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN