Andi Eigenmann hits back at bashers who called her daughter 'pangit'

Hindi na natiis ni Andi Eigenmann ang panlalait ng ilang netizens sa kanyang apat-na-taong-gulang na anak at pinatulan na niya ang mga ito.


Galit na niresbakan ni Andi Eigenmann ang bashers na tinawag na "pangit" ang kanyang four-year-old daughter na si Ellie.

Sa Twitter idinaan ni Andi ang kanyang sagot sa nanlait sa anak.

Nag-ugat ang naturang sagot ni Andi sa dalawang komento sa Instagram na diumano'y pangit ang kanyang anak.

 

Itong dalawang natatanging komento ang negatibo sa comment section kung saan halos lahat ay nagagandahan kay Ellie.

PRAYING FOR IRRELEVANT PEOPLE. Sa iba pang tweets ng Kapamilya actress, sinabi nitong ipagdadasal na lang niya ang mga taong walang magawa sa buhay kundi ang hamakin ang isang batang inosente.

Sinabi rin nitong ngayong malapit na ang eleksyon at magpapalit na ng pamunuan ang gobyerno, dapat ding magbago na ng ugali ang mga taong walang modo.

Ito ang dahilan kaya sinabi ni Andi noong bihira na lang siyang mag-post ng larawan ng anak sa anumang social media.

Read: Andi Eigenmann limits posts about her daughter because of 'judgmental people'

Kamakailan lamang, nilait din ng isang basher ang anak ni Bianca Gonzalez na si Lucia at tinawag itong 'negra.'

Read: Bianca Gonzalez defends daughter Lucia from bashers


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN