Is Zsa Zsa Padilla victim of verbal and emotional abuse?

Usap-usapan sa showbiz ang biglaang pag-alis ni Zsa Zsa Padilla sa bahay ng fiancé niyang si architect Conrad Onglao. Nakatakda sanang magpakasal ang dalawa sa darating na December sa Florence, Italy.


Biktima nga ba ng pang-aabuso si Zsa Zsa Padilla?

Ito ang tanong ng marami pagkatapos lumabas ang balitang kumpirmadong hiwalay na ang Divine Diva sa arkitektong si Conrad Onglao pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

Ito ay sa kabila ng inanunsiyo ng dalawa na magpapakasal na sila bago matapos ang 2016 sa Florence, Italy.

Usap-usapan sa showbiz circles na tila hindi na nakayanan ni Zsa Zsa ang 'bad temper' ni Conrad kaya nagdesisyon itong tapusin na ang kanilang relasyon.

Sa kolum ni Ricky Lo sa Philippine Star kahapon, May 5, may source daw siyang nagsabing pagkatapos ng taping ni Zsa Zsa ng ABS-CBN primetime series na The Story of Us noong April 30, hindi na raw ito bumalik sa bahay ni Conrad sa San Lorenzo Village, sa Makati City.

Ilang buwan na tumira si Zsa Zsa sa bahay ni Conrad kung saan nagsama na sila.

Dumiretso raw ang 51-year-old singer-actress sa dati nilang tahanan ng namayapang partner na si Dolphy sa Marina Baytown, sa Parañaque City.

Pinakuha na lamang daw nito ang kanyang mga gamit kinabukasan.

Determinado na raw talaga si Zsa Zsa na huwag nang bumalik pa bahay ni Conrad.

CONRAD'S ATTITUDE. Hiwalay na si Conrad, 60, sa dating asawang si Ivy Almario, isa ring arkitekto, halos 16 taon na ang nakararaan.

Annulled na ang kanilang kasal at mayroon silang dalawang anak na lalaki—sina Kenji at Mikey.

Sa elite circle, kilala raw si Conrad na lapitin ng mga babae.

Bago naging sila ni Zsa Zsa, nagkaroon daw ng relasyon si Conrad sa isang fashion designer, dating beauty queen, isang sikat na artist, at isang socialite-columnist.

Ayon sa source ni Ricky, “Maybe she got fed up with Conrad’s attitude, especially towards showbiz people whom he looked down on.

“Masakit daw magsalita si Conrad. You know naman how sensitive Zsa Zsa is. Nasanay kay Dolphy who was very gentle.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong ipinakilala raw ng Megastar na si Sharon Cuneta si Conrad kay Zsa Zsa, wala raw kaalam-alam ang arkitekto na artista ang Divine Diva.

Kliyente ni Conrad si Sharon.

Pero noong naging sila na, wala na raw ginawa si Conrad kundi makihalubilo na lamang sa mundo ng showbiz na ginagalawan ni Zsa Zsa.

Ikinagulat ng marami ang nangyaring paglayas ni Zsa Zsa sa bahay nila ni Conrad.

Akala kasi ng karamihan ay masaya at perfect ang kanilang relasyon.

THE WEDDING. Nakaplano na nga ang kanilang kasalan ngayong taon sa Florence, Italy.

Dagdag naman ng isa pang source ni Ricky, “They have been planning for it since last year pa.

“First, the original schedule was June… that’s next month already… and then they moved it to December this year.

“And then… the break-up. They were so in love… at least that was how they seemed to me ha… so I’m sad for Zsa Zsa, I’m sad for Conrad.

“I really thought that they would end happily ever after together. I thought that he has found his ‘forever.’”

Ayon kay Ricky, sinikap niyang kunin ang panig ni Conrad. Pero wala raw ito sa mood na magsalita at malungkot daw ang arkitekto.

BAD TEMPER? Sa kolum naman ni Salve Asis sa Pilipino Star Ngayon ngayong araw, May 6, sinabi nitong common knowledge daw sa elite social circles ang pagkakaroon ng bad temper ni Conrad.

Ayon pa sa kanyang credible source, nagulat daw sila kung bakit nagtagal ang relasyon ng dalawa kahit na may bad temper ang arkitekto.

EXTREMELY BAD TEMPER? Sa ulat naman ng isang gossip blogsite, kahit hindi nito pinangalanan ang mga subject, sinabi nitong may ‘extremely bad temper’ ang lalaki na karelasyon ng isang celebrity.

‘Verbally abusive’ din daw ito at ‘physically violent.’

Tanong marahil ng maraming tagahanga ng singer-actress: Tiniis nga lang ba ni Zsa Zsa ang ugaling ito ni Conrad hanggang sa hindi na niya nakayanan ang lahat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Proven and tested na ang pagiging mapag-aruga at pagkamatiisin ni Zsa Zsa sa loob ng ilang dekada nilang pagsasama ng namayapang King of Comedy na si Dolphy.

Halos dalawang taon ding nagluksa si Zsa Zsa bago siya nagsimulang muli sa kanyang buhay, at dito na nga pumasok sa buhay niya si Condrad.

Read: Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao break up

MATCHMAKER REACTS. Kahapon, May 5, sa presscon ni Sharon bilang bagong coach ng The Voice Kids, sinabi nitong hindi pa niya nakakausap si Zsa Zsa.

Ang binitawang pahayag ng anak ni Zsa Zsa na si Karylle pa lang daw ang nalalaman niyang kuwento.

Read: Karylle confirms mom Zsa Zsa Padilla called off engagement to Conrad Onglao

Sabi ni Sharon, “Yung statement ni Karylle yun pa rin lang ang alam ko ‘coz I’m not mapapel. I don’t like to… parang not just because she’s my friend, yung parang agad-agad.

“Ayokong parang nakikitsismis ka lang. I know that uhm… well if you… I had breakups before, myself, and that I always wanted some time alone to grieve.

“So let’s give her that, let’s her give that muna.”

Bukas ang PEP sa panig nina Zsa Zsa at Conrad, at ang kani-kanilang kampo, kung may nais silang sabihin o linawin tungkol sa mga lumabas na ulat kaugnay ng kanilang paghihiwalay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN