Karel Marquez is now engaged to non-showbiz boyfriend

Karel Marquez just got engaged with her boyfriend Sean Fariñas!


Engaged na ang aktres na si Karel Marquez sa kanyang boyfriend of three years na si Sean Fariñas.

Naganap ang proposal habang nagbabakasyon ang magkasintahan sa Atmosphere Resorts ng Dauin, Negros Occidental.

Ayon sa kwento ng 29-year-old actress sa kanyang Instagram post kahapon, May 7, hinila lang siya ni Sean sa isang sunset cruise at hindi man lamang daw siya nakapag-ayos.

Makalipas ang ilang oras, muling nag-post si Karel at saka niya inanunsiyo na siya ay engaged na.

Saad niya sa kanyang caption, “Now that I have told my family and friends... I guess I could breathe now (I cried so much during sunset).

“And I guess we are going to tell this to the universe of course... WE GOT ENGAGED TODAY.”

December 2012 nang maging magkasintahan sina Karel at Sean.

Si Sean ay isang businessman na may-ari ng ilang sikat na restobars sa bansa.

January 2012 naman nang makipaghiwalay si Karel sa kanyang dating kinakasamang si Armand de Guzman.

May dalawang anak si Karel kay Armand—sina Keiley at Kyler.

Read: Karel Marquez details separation from the father of her kids; says she’s now ready to enter a new relationship

Congratulations, Karel at Sean!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN