Robin Padilla files online libel complaint against Twitter user

Robin Padilla files online libel complaint against a Twitter user who bashed him after posting a photo on election day.


Naghain ng pormal na reklamo ang aktor na si Robin Padilla laban sa isang netizen na may Twitter username na @krizzy_kalerqui.

Kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Rudolf Jurado, nagtungo si Robin sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw, May 12, para ihain ang reklamong online libel laban sa nasabing Twitter user.

Isa si @krizzy_kalerqui sa mga bumatikos sa aktor nang mag-post ito sa Instagram, kung saan makikitang hawak niya ang isang balota na naka-shade ang kanyang sinusuportahang presidential candidate.

Sa post na ito, sinabi ng naturang netizen: “This is a clear violation of election law! Throw him in jail as well. No one is above the law.”

Sa inihaing reklamo ng kampo ng aktor, nakasaad dito na: “Please note that our client [Robin] is NOT a registered voter due to complications brought about by his prior conviction.

“As such, he could neither possess/acquire an official ballot nor enter a voting precinct.

“It is, therefore, legally impossible for our client to perpetrate the alleged election offense [i.e. taking a photograph of his filled-up official ballot inside a voting precinct].”

Read: Robin Padilla's official statement on alleged violation of Comelec rule

Kaugnay nito, nagbigay rin ng hiwalay na pahayag si Robin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):

“Ang pagiging magkasama at magkapanalig ay pinatitibay ng paniniwala sa katotohanan at pagpapakumbaba.

“Sa lahat ng mga humingi ng paumanhin sa akin sa kanilang nagawang pagyurak sa aking karangalan akoy nagpapatawad ngunit sa mga nagmamataas pa at nagmamatigas ang batas na ang siyang magtrabaho upang makuha ko ang hustisya.”

Samantala, tila nakarating na sa inirereklamong netizen ni Robin ang paghahain nito ng reklamo.

At ito ang naging reaksiyon ng Twitter user na si @krizzy_kalerqui:

RECONNECT TIES WITH EX-MANAGER. Samantala, sa parehong pahayag ni Robin sa PEP, ipinaalam nitong nagkaayos na sila ng kanyang talent manager na si Betchay Vidanes ng Vidanes Celebrity Marketing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang ipinaalam ni Robin sa publiko na kahapon, May 11, na hindi na pamumunuan ni Betchay ang showbiz career niya.

Read: Robin Padilla parts ways with management team due to 'conflict of interest'

Ayon kay Robin, “Ako rin ay buong pusong nagpapasalamat kay @betchayvidanes sa hindi pagbitaw sa panawagan ng Bagong Pangulo na umpisahan na ang Healing at Unity.

“Effective today i am taking back my earlier pronouncement of release from Vidanes Celebrity Management @vidanes_cm the conflict of interest has ended and the interest of the Nation and the poor must continue and PREVAIL”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN