Maricar de Mesa on being emotionally abused wife: "Yung pambababae, masakit pa 'yan sa physical, e."

Mas masakit pa raw sa pisikal na pananakit ang mahuli mong nambababae ang asawa mo, ayon sa aktres na si Maricar de Mesa. Ito kasi ang pangunahing dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya sa asawang si Don Allado noong 2014.


Magdadalawang taon na mula nang mag-file ng annulment case si Maricar de Mesa laban sa estranged husband nitong si Don Allado.

Read: Maricar de Mesa files for annulment of marriage to Don Allado

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maricar, masaya itong malapit nang mapawalang-bisa ang kasal nila.

Saad niya, “Ongoing. Hopefully, I’m praying, I’m crossing my fingers, hopefully I get my annulment soon.

“Soon, yun na lang hinihintay ko.”

'Psychological incapacity' ang pinakarason ng annulment case na isinampa ni Maricar laban kay Don.

Naging battered wife ba siya noon?

Paglilinaw ni Maricar, “A, siguro emotionally. Oo, emotionally. Hindi naman physical.

“Pero kasi yung pambababae, masakit pa ‘yan sa physical, e. Sana pinisikal na lang niya ako.”

Noong una, binigyan pa raw niya ng benefit of the doubt ang balitang pambababae ng asawa, ngunit nang nakita na raw niya ito mismo ay sumuko na siya.

“Nawala lahat yun nung nakita ko yung mga proof,” sabi pa niya.

Nakahinga na siya?

Sagot ni Maricar, “Oo, parang somehow nakapagpahinga na ako.

“Parang ‘Wow, mabait pa rin pala si Lord sa akin.’ Alam mo yun?

“Kasi masasabi mo now na I’m more independent simula nung naging single ako.

“Mas nakakapagdesisyon ako sa sarili ko.

“Mas naging adventurous ako at mas marami akong nami-meet na iba’t ibang tao.”

Nakausap ng PEP si Maricar sa grand presscon ng Magkaibang Mundo sa GMA Network Center kagabi, May 12.

DATING. Sa ngayon daw, nakikipag-date na si Maricar.

“Oo. Pero not from here, foreigner.

“Ayoko kasing lagyan ng label na kami na, kasi hindi pa ako annulled.”

Careful na raw siya sa pakikipagrelasyon ngayon.

“Hindi na ako yung makikipaglaro pa.

"Makipagbolahan. O yung date ngayon, wala na bukas.

"I look forward to someone who’s mature.

“Yung puwedeng may potential na maging partner mo in life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN