Baron Geisler says viral video was taken "out of context"

Baron Geisler plans to sue uploader of viral video "whose apparent intention is to exploit my already damaged reputation."


Nagkomento ang aktor na si Baron Geisler hinggil sa kontrobersyal na viral video kung saan makikita na minumura ng aktor ang isang lalaki na kinilalang isang estudyante.

Makikita pa kalaunan sa video ang pakikipambuno at pagpulupot ng braso ng aktor sa ulo ng estudyante.

Sa isang mensaheng ipinadala ng kampo ni Baron sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes, May 16, ipinaliwanag ng kontrobersyal na aktor na ang video ??was taken out of context?? at nagpaplano na raw siyang makipag-usap sa kanyang mga abogado hinggil sa posibilidad na pagsasampa ng demanda laban sa uploader ng nasabing video.

Ani Baron, ??The video was taken out of context, and because of that, I plan to consult my lawyers for the possible liabilities of the person who uploaded the video, whose apparent intention is to exploit my already damaged reputation."

Ipinost ng nagngangalang Khalil Verzosa ang nasabing video at ipinaliwanag ang pangyayari na humantong sa pagbi-"beastmode" ng aktor.

Ayon sa post ni Khalil, nakipag-ugnayan sila kay Baron para sa isang editorial design campaign.

Pero nagkaroon ng aberya at late na nang maibigay kay Baron ang script, na siya umanong pinagmulan ng init ng ulo ni Baron nang isu-shoot na sana ang nasabing production.

READ: Baron Geisler altercation with students caught on video

Habang isinusulat ang balitang ito, umabot nan g 2.5 million views ang nasabing video na ipinost kahapon, Linggo, May 15.

Samantala, nag-tweet naman ang New5 entertainment reporter na si MJ Marfori ng ilang quotes mula sa interview niya kay Baron ngayong araw.

"Pumitik lang po talaga ako. How i wish na social experiment po siya! It would be a dream..." pahayag umano ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN