Ana Capri files multiple complaints against anonymous attacker; to seek help from Duterte

Naghain na ng magkakaibang reklamo si nna Capri laban sa isang hindi pa rin nakikilalang lalaki na nanghipo, nanampal, at nanduro diumano sa kanya sa isang exclusive bar sa Taguig City noong April 3. Sinampahan din niya ng reklamo ang mga may-ari ng naturang bar upang makipagtulungan sa imbestigasyon.


Naghain na ng pormal na reklamo si Ana Capri kaugnay ng insidenteng kinasangkutan niya sa isang exclusive bar sa Uptown Bonifacio Global City, Taguig City, noong madaling-araw ng April 3, kung saan hinipuan, sinampal, at dinuro diumano siya ng isang lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala.

Read: Ana Capri claims she was harassed by unidentified man at Palace Pool Club

Inihain ng aktres ang kanyang mga reklamo noong Martes, May 17, sa Taguig City Prosecutor's Office.

Saad ni Ana, “Nag-file na kami ng case; yung acts of lasciviousness, physical injury, tsaka slander by deeds doon kay 'Mr. John Doe,' na hindi pa namin ma-identify hanggang sa ngayon.

“Tapos obstruction of apprehension and obstruction of justice against the officers of The Palace Pool Club.”

Tumutulong ba sa kanya ang pamunuan ng The Palace Pool Club upang matunton ang pagkakakilanlan ng suspect?

Tugon ng aktres, “Well, tumutulong naman sila.

“Pero hopefully sana mas more pa nila [ako] matulungan, kahit maibigay lang yung pangalan.

“Or matulungan nila ako na mahanap nga yung pangalan ng tao.”

Umaasa si Ana na ma-identify na ang suspect upang umusad na ang kanyang reklamo.

“Ngayon, ang last naming hakbang, so far, yung nga, na-file na namin yung kaso, nag-sworn affidavit na ako.

“Tapos, yun, waiting na lang kung anong next step dun sa korte.

“And hopefully nga [makilala na] kasi nakakatamad na kapag walang pangalan.

“Pero kung sakali naman na merong makatulong [na makapagbigay], puwede nang palitan yung pangalan.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ana sa presscon ng pelikulang Pare, Mahal Mo Raw Ako nitong Huwebes, May 19, sa isang restaurant sa Quezon City.

Ang Pare, Mahal Mo Raw Ako ay pinagbibidahan nina Edgar Allan Guzman at Michael Pangilinan. Nakatakda itong ipalabas sa lahat ng mga sinehan sa June 8.

APPEALS FOR HELP FROM DUTERTE. Bukod sa panawagan ni Ana sa mga namamahala ng The Palace Pool Club, nanawagan din siya sa publiko na nakakakilala sa taong nanakit sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, yun nga, sana humihingi kami ng tulong sa publiko or kung sino man yung taong kakilala nga talaga yung tao na yun, sana maibigay nila.”

Umapela rin siya kay incoming President Rodrigo Duterte, na nangakong lalabanan ang kriminalidad sa bansa, na sana ay matulungan siya sa kanyang paghahanap ng hustisya.

Mensahe niya, “Or, yun nga, sabi nga nila, kung hindi naman malaking bagay, hingi na rin ako ng tulong kay Mayor Duterte, sa ating presidente, kasi siyempre criminal case pa rin yun, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN