Maria Isabel Lopez overwhelmed by her Cannes 2016 experience

Maria Isabel Lopez made heads turn and garnered attention on social media because of her appearance at the Cannes Film Festival red carpet.


Lubos-lubos ang pasasalamat ni Maria Isabel Lopez sa atensiyong nakuha niya nang maglakad siya sa red carpet ng 69th Cannes International Film Festival sa France.

Kabilang si Maria Isabel sa Philippine delegate ng Ma’ Rosa, isa sa mga pelikulang in competition sa Cannes filmfest ngayong taon. Ang pelikula ay idinirek ni Brillante Mendoza.

Kasama ng veteran actress na pumunta sa France sina Direk Brillante, ang lead star ng pelikula na si Jaclyn Jose at anak nitong si Andi Eigenmann.

Agaw-eksena si Maria Isabel sa kanyang green grown na gawa ni Albern Andrada at mala-beauty queen na pagpu-project, kaya naman ginawan pa siya ng memes sa social media.

Ito rin ang ikalawang beses ni Maria Isabel na makapunta sa Cannes.

Unang beses ay para sa pelikulang Kinatay na idinirek din ni Brillante noong 2009.

Read: Maria Isabel Lopez steals the show at Cannes red carpet

Dahil sa atensiyong nakuha niya sa Cannes, nag-post si Maria Isabel sa Instagram upang magpasalamat sa netizens.

“To the netizens who tweeted and posted, ‘I love you all!’ I'm overwhelmed,” bahagi ng post ng aktres.

Sunud-sunod din ang pagre-reply ni Maria Isabel sa Twitter upang magpasalamat sa netizens.

                                                 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN