Andi Eigenmann, Neil Arce react to Forever Summer tragedy

Andi Eigenmann on Forever Summer concert tragedy: "I hope that everyone finally learns to find enjoyment and fun without putting the lives we were given to such harm."


Kabilang ang aktres na si Andi Eigenmann at film producer/businessman na si Neil Arce sa mga nalungkot sa trahedyang naganap sa ilang mga dumalo sa Close Up Forever Summer concert party sa Pasay City noong Sabado, May 21.

Sa kanyang Twitter account, nagpahayag ng pagdadalamhati si Andi sa pagkamatay ng limang attendees ng naturang pop concert.

Bagamat hindi pa matiyak ang dahilan ng pagkamatay ng limang katao na dumalo sa party, may usap-usapang posibleng may kaugnayan ito sa ipinagbabawal na gamot.

Read: (UPDATED) Investigations ongoing after five confirmed deaths at Forever Summer concert

Kaya naman nagbigay ng paalala si Andi para sa mga madalas pumunta sa music festivals.

Nagbigay rin ng mensahe ng pakikidalamhati ang boyfriend ni Bela Padilla na si Neil Arce sa pamilya ng mga pumanaw na revelers.

“I would like to extend my condolences to the families of the people who passed away today. Now is not the time to point fingers and bash certain groups. Let us all respect the families that are mourning,” sabi ni Neil sa kanyang Facebook post.

May pakiusap din si Neil sa mga kaibigan ng mga nasawi.

Aniya, “Let's not fool the public by saying your drinks were laced. Not everyone is that stupid.

“Now is the time to tell the proper authorities where you got the drugs to ensure this will not happen again.

“The excuse 'our drinks were laced' has been used probably over a million times.”

Diin pa niya, “If you truly care about your friends or simply just simply a decent human being. Tell the authorities where you got the drugs. You will save a lot of lives.”

Samantala, naghain naman ng resolusyon ang Kabataan Party-List ngayong araw, May 23, upang imungkahi sa Kongreso ang pag-iimbestiga sa diumano'y drug-related na pagkamatay ng limang audience sa Close Up Forever Summer concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN