Jaclyn Jose "surprised, overwhelmed" by her Best Actress win at Cannes

Jaclyn Jose on beating the likes of Charlize Theron, Marion Cotillard, Isabelle Huppert, and Kristen Stewart for Best Actress: "Alam ko kaya hindi ako umaasa, ang bibigat ng kalaban. Nandun ako to enjoy the night. Ang mga nandoon, mga beteranong tao."


Hindi raw maipaliwanag ni Jaclyn Jose ang kanyang naramdaman nang tawagin ang pangalan niya na nanalo sa kategoryang Best Actress sa katatapos lang na 69th Cannes Film Festival sa France.

Si Jaclyn ang pinili ng Cannes jury ngayong taon bilang Best Actress dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Ma’ Rosa ni Brillante Mendoza.

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Sa tulong ng talent manager ng aktres na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment Inc. ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaclyn, sa pamamagitan ng text, ilang oras pagkatapos ng kanyang pagkapanalo.

Katulad ng naging pahayag niya sa kanyang acceotance speech, hindi raw talaga inaasahan ni Jaclyn na siya ang mag-uuwi ng Best Actress award.

Nagpunta raw siya ng Cannes Film Festival, kasama ang anak na si Andi Eigenmann na bahagi rin ng Ma’ Rosa, para maranasan ang rumampa sa red carpet at makibahagi sa itinuturing na pinakaprestihiyosong film festival sa buong mundo.

Paglalarawan ni Jaclyn ng kanyang naramdaman, “Surprised, overwhelmed… parang nawala ako sa sarili.

“Different yung feeling, unexplainable. No exact words nga.”

Hindi raw talaga siya umasang mananalo dahil mabibigat ang mga nakalaban niya.

Ilan sa mga aktres na may kalahok na pelikula sa Cannes ngayong taon ay ang Oscar-winning actresses na sina Charlize Theron (The Last Face) at Marion Cotillard (From The Land of the Moon).

May pelikula ring kalahok sina Kristen Stewart (Personal Shopper), Isabelle Huppert (Elle), Elle Fanning (The Neon Demon), at Sonia Braga (Aquarius).

Sabi ni Jaclyn, “Alam ko kaya hindi ako umaasa, ang bibigat ng kalaban.

“Nandun ako to enjoy the night.

“Ang mga nandoon, mga beteranong tao.”

Dito sa Pilipinas ay ilang tropeyo na ang napanalunan ni Jaclyn dahil sa husay niya sa pag-arte.

Ano ang pakiramdam na sa pagkakataong ito, ang most coveted na Cannes Best Actress trophy na ang hawak niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Jaclyn, “Ibang pakiramdam. Parang international actress, first [Cannes] Best Actress in Southeast Asia.”

Si Jaclyn ang kauna-unahang aktres mula sa Pilipinas at maging sa Southeast Asia na nanalong Best Actress sa Cannes.

Sa mga oras na ito ay pauwi na ng Pilipinas si Jaclyn lulan ng Emirates Airline.

Nakatakdang dumating sa bansa si Jaclyn bukas ng hapon, May 24, at didiretso siya agad para sa press conference ng kanyang bagong programa sa GMA Network, ang A1 Ko Sa ‘Yo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN