Gardo Versoza says Jaclyn Jose deserves hero's welcome for winning Cannes Best Actress

Gardo Versoza: "Pagdating sa ating mga artista, kahit na ilan na ang nag-uwi ng parangal mula sa mga international film festivals, parang dedma ang gobyerno natin. Parang balewala sa kanila ang recognition na natatanggap ng mga local artist natin."


Very vocal si Gardo Versoza sa pagsasabing dapat ay mabigyan ng hero’s welcome si Jaclyn Jose dahil sa pagkapanalo nito bilang Best Actress sa 69th Cannes Film Festival.

Ayon pa sa aktor, dapat sa airport pa lang ay may malaking banner na nagku-congratulate kay Jaclyn bilang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian na nanalo ng Best Actress sa Cannes.

Pero hindi ito nangyari nang bumalik sa Pilipinas ang aktres noong Martes, May 24.

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Hindi tuloy maiwasang mabanggit ni Gardo ang ginagawang hero’s welcome kay Manny Pacquiao tuwing uuwi ito mula sa kanyang laban.

Saad ng aktor, “Kung yung boksingero nga kahit natalo siya, binibigyan ng hero’s welcome, di ba?

“Bakit hindi nila bigyan si Jane na isang malaking karangalan ang manalo sa Cannes?

“Hindi pa ba sapat iyon na si Jane ang kauna-unahang Pinay na manalo doon?”

Jane Guck ang tunay na pangalan ni Jaclyn Jose, na co-star ni Gardo sa upcoming Kapuso comedy series na A1 Ko Sa ‘Yo.

Ipinagtataka raw ni Gardo kung bakit iba ang treatment sa kanilang mga nasa mundo ng entertainment kumpara sa athletes.

“'Yan naman ang hindi ko maintindihan minsan.

“Ibang tao nabibigyan nila ng bonggang welcome. Pero pagdating sa ating mga artista, kahit na ilan na ang nag-uwi ng parangal mula sa mga international film festivals, parang dedma ang gobyerno natin.

“Parang balewala sa kanila ang recognition na natatanggap ng mga local artist natin.

“Like si Direk Brillante Mendoza, ilang beses na siyang nakapag-uwi ng karangalan mula sa mga film festivals abroad, pero bakit hindi man lang siya mabigyan ng magandang welcome?

“Nakaka-frustrate lang talaga,” himutok ni Gardo.

Sana raw ay huwag sayangin ng gobyerno ang moment na ito ni Jaclyn dahil bihira ang pagkakataong ito.

Pahayag ni Gardo, “Ang gusto lang naman natin ay isang magandang pagkilala ng gobyerno sa pagkapanalo ni Jane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda balita ito para sa bansa natin at dapat lang ipagmalaki nating lahat ang isang Jaclyn Jose!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN