New Kapamilya Vin Abrenica hopes to be paired with Liza Soberano and Julia Barretto

Vin Abrenica on leaving TV5: "I'm forever grateful talaga ako sa TV5 for letting me grow kung hindi man sa kanila, sa ibang network."


Ikinatuwa ng dating TV5 star na si Vin Abrenica na sunud-sunod na ang mga proyektong dumadating sa kanya ngayong taon. 

Si Vin ay magbibida sa pelikulang Moonlight Over Baler; kasama sina Elizabeth Oropesa, Ellen Adarna, at ang real-life girlfriend niyang si Sophie Albert.

Ang pelikulang ito ay mula sa direksiyon ni Gil Portes at balak ilahok sa Metro Manila Film Festival 2016.

Bukod sa kanyang pelikula, malapit na ring mapanood sa bakuran ng ABS-CBN si Vin.

Nitong May 18, napabalitang isang ganap nang Kapamilya si Vin matapos nitong makipag-meeting sa Star Creatives chief operating officer na si Malou Santos at ang business unit head na si Des Tanwangco, kasama ang kanyang manager na si Noel Ferrer.

Read: Artista Academy winner Vin Abrenica is now a Kapamilya

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ky Vin, kinumpirma nito ang balita, ngunit hindi ito nagbigay ng detalye kung ano ang mga dapat abangan sa kanya.

Aniya, “Actually, nakikipag-ano pa lang ako sa kanila… I went there for a meeting. 

“Sinabi nila na I should be ready, pero wala pa akong go signal to tell you guys kung ano yung mangyayari sa akin dun.”

Nagpapasalamat din si Vin sa Talent5 head na si Atty. Bebong Muñoz sa pagpayag nilang lumipat siya ng network. Ang Talent5 ang talent management arm ng Kapatid network. 

Sabi ni Vin, “I got my release from Sir Bebong sa TV5 and I’m so happy, I’m forever grateful talaga ako sa TV5 for letting me grow. Kung hindi man sa kanila, sa ibang network.”

Magkakaroon daw ng ka-love team si Vin sa Kapamilya network ngunit hindi pa ito puwedeng sabihin.

Nang tanungin naman kung sino ang gusto niyang makapareha, sagot ni Vin, “Kahit alam ko it’s impossible, alam mo yun, hopefully si Liza [Soberano], siya yung number one and, of course, Julia Barretto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang paglipat ng network at pagkakaroon ng bagong pelikula, kinukunsidera ni Vin na suwerte ang taon na ito para sa kanya. 

“Last year, sinabi ko na it’s gonna be my year and I was right. 

“It’s my year, hindi man siguro sa career but sa family-wise and love-wise. But 2016, matagal ko na talagang hinihintay ‘tong year na ito.”

THE LOWEST. Inamin ni Vin sa press na nagtampo siya sa kanyang home network noon, lalo na nang hindi niya nakuha ang lead role para sa local remake ng Korean drama series na Baker King, na napunta kay Mark Neumann. 

Isa ito sa maituturing niyang "lowest part" ng kanyang career.

Saad niya, “Nung nagpaka-immature ako, na parang bata ako na nagtatampo ako sa sarili kong network.

“Na sinasabi ko, ‘Sila binibigyan niyo, ako hindi.’ 

“Kasi I’m a baby e, I’m their baby, and I consider myself a baby na, ‘I’m you prime artist...'

“Tapos, ano bang ginagawa ng baby? Pag hindi mo pinapansin, nagpapapansin, di ba?

“So, yun, that’s my lowest, naiyak ako dun. Every night iniiyakan ko yun.

“Para sa akin, that experience naman, nag-grow naman ako.”

Read: Vin Abrenica admits crying over The Baker King role that went to Mark Neumann

Patuloy ni Vin, “Kasi more on expected, e, nag-expect ako kasi…

“Hindi naman ako mag-e-expect kung wala silang ipinakita sa akin na ganito.

“Or walang nagsabi sa akin na, ‘This is gonna be yours. It’s perfect kasi you’re cooking and you’re a Pinoy.’

“Tapos, ‘You’re gonna get this role, we’re gonna buy this for you.’ 

“Sinasabi sa akin yun, and then, pagdating ng day itself, wala na lang akong nabalitaan.”

Nabanggit din ni Vin na sa pag-take over ng Viva big boss na si Vic del Rosario sa entertainment department ng TV5, ikinatuwa niyang maganda ang mga naging komento nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Sa akin, nung kinakausap niya ako, sobrang natutuwa ako.

“Kasi I can see a person na kapag kinakausap ako, nakikita mo naman kung naa-appreciate niya yung work mo, e.

“Sinasabi niya sa akin na, 'Ako naniniwala ako.'

“He said na I’m talented, I’m good looking, tapos maganda daw yung body ko.

“So, alam niya kung saan ako ilalagay nung mga times noon.”

LEARNED LESSONS. Marami rin daw dadalhing aral si Vin sa Kapamilya network na kanyang natutunan mula sa TV5.

Saad ng 24-year-old actor, “Ako, gagawin ko pa rin yung nag-set sa akin ng standards.

“Kasi nung pagpasok ko sa TV5 noon, sila yung naka-discover sa akin sa Artista Academy.

"It’s a school kasi e—Artista Academy—school yun.

“And tinuturuan nila ako ng manners, the way I handle myself, yung talents, kung paano ensayuhin, pakikisama sa tao. 

“Yun, I’ll improve on that still.

“Kasi yun ang mga, kumbaga, tinatawag ko na core values na nakuha ko sa kanila, kasi that’s where I started.”

Babawasan na rin daw ni Vin ang pagiging matigas ang ulo sa kanyang paglipat sa ABS-CBN.

Sabi niya, “Ako, sometimes, I admit, matigas talaga ulo ko, e.

“Kumbaga, sa kuya ko [Aljur Abrenica], siya yung… nakikita niyo naman, ako, mas gago talaga ang dating ko kesa sa kanya.

"Some parts true na mas gago talaga ako, yun.

“Ways to improve myself, ayun, into books ako. Reading to be a better [person].

“So, para sa akin, improve on self-values lang, and of course family values, hindi mawawala 'yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN