Jennylyn Mercado avoids questions about Maldives escapade with Dennis Trillo

Ayaw pag-usapan ni Jennylyn Mercado ang bakasyon nila ni Dennis Trillo sa Maldives nitong nakaraang linggo. Basta masaya lang daw siya at nakapagpahinga siya ng ilang araw mula sa halos isang taong pagtatrabaho.


Isang relaxing at dream-come-true birthday celebration daw ang Maldives vacation ni Jennylyn Mercado nitong nakaraang linggo.

Noong May 15 ang ika-29 kaarawan ng Kapuso actress.

Ang bakasyon daw sa isa sa pinakamagandang lugar sa mundo ang regalo niya sa sarili matapos ang walang pahingang pagtatrabaho.

Sabi ni Jennylyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “A, nagbakasyon. Nagbakasyon lang.

“Kasi buong taon… e, kalahati ng taon, nagtatrabaho ako.

“Ito na yung chance na makapagpahinga, isang linggo ako sa bahay.

“Wala talaga akong ginawa kundi matutulog lang ako, magpapahinga, kasama ko yung anak ko, ganun lang.

“Tapos, may mga trabaho on the side, pero mga light lang na trabaho.

“Tapos, yun, nagbakasyon ako, punta na ako ng Maldives.”

Kumusta naman ang bakasyon niya sa Maldives?

“Okay naman po,” maiksing tugon ni Jennylyn.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na kasama ni Jennylyn sa naturang Maldives escapade ang rumored boyfriend niyang si Dennis Trillo, na nag-celebrate naman ng kanyang ika-35 kaarawan noong May 12.

Read: Jennylyn Mercado, Dennis Trillo celebrate their birthdays at the Maldives

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Dennis nitong Abril, sinabi niyang isa sa mga dream destination niya at nais mapuntahan ngayong taon ay ang Sagada sa Mountain Province at ang Maldives.

Gusto niya raw makasama si Jennylyn sa mga lugar na ito.

Kaya sinabi namin kay Jennylyn na matagal na pala nilang plano ang magpunta sa Maldives.

Natatawa ngunit paiwas na sagot ni Jennylyn, “A, ayoko nang pag-usapan.”

Dagdag naman ng isang reporter, hayaan na lang daw si Dennis na magsalita dahil ito ang lalaki.

Ayon pa rin kay Dennis noon, gusto lang nilang tahimik ang kanilang relasyon.

Read: Dennis Trillo on relationship with Jennylyn Mercado: 'Mas gusto lang siguro namin tahimik.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Jennylyn sa launching ng mga bagong collection ng bra ng Avon Fashions kagabi, May 26, sa isang events place sa Makati City.

STILL ON TOP. Sa kabilang banda, si Jennylyn ang itinanghal na Sexiest Woman ng FHM Philippines 100 Sexiest noong 2015.

Ngayong taon, sa partial results ng botohan, nangunguna pa rin ang GMA star sa inilabas na resulta ng naturang men’s magazine last May 14.

1. Jennylyn Mercado
2. Jessy Mendiola
3. Angel Locsin
4. Pia Alonzo Wurtzbach
5. Marian Rivera
6. Arci Muñoz
7. Rhian Ramos
8. Sam Pinto
9. Jinri Park
10. Ellen Adarna

Hoping ba si Jennylyn na siya ulit ang mapipiling pinaka-seksing Pinay sa taong ito?

Sagot niya, “Naku, hindi ako… never akong nag-hope sa kahit anong bagay kahit na ano pa ‘yan, o award-giving bodies or kahit ano, never ako nag-expect.

“Kasi mahirap mag-expect. Kung ano man yung magiging desisyon nila, happy ako.”

Anong pakiramdam na nakasama pa rin siya sa listahan ng FHM?

Ayon kay Jennylyn, “Masaya naman kasi kahit papano, di ba, napapansin pa rin nila na, ‘Uy, naaalagaan ko yung sarili ko kahit na nanay na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN