Jaclyn Jose considers Isabelle Huppert and Marion Cotillard as her toughest competitors for Cannes Best Actress

From Cannes to comedy, it's all in a day's work for premier actress Jaclyn Jose, "Itong pure comedy na ito, I have to work on it. Trabahuhin ko kasi nagmi-Millionaire's Wife pa ko, sobrang evil, e. So masakit sa ulo 'to. Bukas Millionaire's, sa makalawa, ito."

 


Hindi raw talaga inasahan ni Jaclyn Jose na siya ang tatanghaling Best Actress sa 69th Cannes Film Festival. 

Nanalo si Jaclyn para sa kanyang pagganap sa Ma' Rosa na idinirek ni Brillante Mendoza.

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Ni katiting daw ay hindi niya inakalang mahahanay sa premiere French actresses na sina Isabelle Huppert at Marion Cotillard at Hollywood stars na sina Charlize Theron at Kirsten Stewart na mayroon ding entries sa prestihiyosong film festival ngayong taon.
 
Pahayag ni Jaclyn, “Kahit yung mga distributors namin, kahit yung mga tao dun na humahawak sa amin at nag-aalaga sa amin, sanay sa festival…

“Tinatanong ni Dante [Brillante Mendoza], kasi naglalakad kami going to festival, kasi may ibang events din dun.
 
“Nandoon si Mel Gibson... ang dami kong nakita. 

“Na-overhear ko si Dante, sabi niya, ‘What do you think, I’m gonna get something or what?’

“Sabi nila, 'We don’t know, we don’t know anything.'

“Sobrang higpit, walang leak.”

Sino sa mga nakalaban niya sa Best Actress ang nakita ni Jaclyn na pinakamahigpit niyang kalaban?
 
“By watching their films before, but not the film’s entry, hindi ako nakapanood ng competition nila...

“But siyempre, anong ano mo kay Isabelle Huppert?

“Unang-una, French actress 'yan, 'yan ang dame ng France.
 
“O kaya si Marion Cotillard, di ba?”

Ang Hollywood actress at isa sa respetadong aktres na si Meryl Streep ang isa sa mga nanalo ng Best Actress sa Cannes Film Festival.
 
May nagbibirong ka-level na raw niya ito.
 
“Aba, ang sarap, ang sarap talaga!” nakangiti niyang sabi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaclyn sa presscon ng bago niyang comedy show sa GMA-7, ang A1 Ko Sa Yo.

INSTANT SUPERSTARDOM. Halos lahat ay gustong mai-feature sa TV shows at ma-interview si Jaclyn. Halos karamihan din ay gustong magkaroon ng picture kasama siya.
 
Ano ang pakiramdam bilang Pride of the Philippines?
 
“Ang sarap!” sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nararamdaman mo lang yun as you go, like sa airport, ‘Congratulations.’ 

“After the premiere pa, kakain kami sa restaurants, may dadaan na mga locals. 

“Siyempre locals, kami yung imported!
 
“Then, babalik sila and say, 'I saw your Mama Rosa, you were so good.'

“Marami akong nae-encounter na ganun.

“Siyempre, mga cocktails-cocktails 'yan… so, ang dami kong na-receive na ganun.”
 
Dahil aminadong hindi siya techie, hindi pa raw nababasa ni Jaclyn ang mga pagbati at magagandang mensahe na ipinost ng mga kapwa niya artista.
 
Halatang natuwa ang aktres dito at kinausap ang bunsong anak, na katabi niya noong presscon na turuan siyang makita at mabasa ang mga yun.
 
Pero naikuwento rin niyang ilan sa mga unang nagpadala ng mensahe sa kanya ay sina Coco Martin at Iza Calzado.
 
Ayon kay Jaclyn, “May message si Coco, ikinagagalak niya na naging nanay niya ko at naging mentor, nanggaling siya sa akin.

“Basahin niyo na lang sa Instagram. Pero touch ako sa message ni Coco.”

Nagkasama sina Jaclyn at Coco sa pelikulang Serbis (2008).
 
“Si Iza Calzado, nag-direct message siya sa akin.”

Nakatanggap din daw ng mensahe si Jaclyn mula sa kanyang idolo na si Vilma Santos.

MARIA ISABEL LOPEZ.  Ano naman ang naging reaksiyon ni Jaclyn sa co-star niya sa Ma' Rosa na si Maria Isabel Lopez na tila nangabog daw sa red carpet ng Cannes Film Festival?
 
Kung pagbabasehan ang ilang komento ng netizens, tila marami ang hindi nagustuhan ang ginawa nito.
 
Sabi naman ni Jaclyn, “It’s her call. Ako, myself, Brillante is a friend.

“I will never leave him, I will stay side by side sa kanya.

“We had a dress code color but she chose what she wanted, bahala siya.”
 
Black and white daw ang color coding nila kaya masasabing hindi talaga sumunod si Isabel.
 
Sabi naman ni Jaclyn, “Okey lang 'yan, that’s her prerogative, nag-apologize naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kawawa lang yung actor sa tabi niya, na-crop na.

“Humiwalay kasi, parang yun lang ang ano ng iba, pero ako, hindi ako na-offend.

“Basta ako, we went there as a team at uuwi ako as a team.
 
“Kahit yung panalo ko, inakyat ko sila. That shows the personality that I have, hindi kita iiwan.”

MMFF SHOWING? Sa ngayon, sigurado raw na marami pang international film festivals na iikutin ang Ma' Rosa. At siniguro ni Jaclyn na a-attend siya sa mga ito.

“Siguro yan,” pagkumpirma niya.
 
Ano ang masasabi niya sa mga komento na ang talento ng Pinoy ay tilas mas nauuna pang kinikilala sa ibang bansa kesa sa sariling bansa?
 
Saad ni Jaclyn, “Actually, yung talents, okey naman, but the movies.

“Sana mapanood yung Ma' Rosa talaga and all other indies, try to watch Ma' Rosa lang.

“Nasa crowd 'yan, e. 

“Hindi naman natin masisisi ang mga tao kung ano ang gusto nilang panoorin.

“That’s why we are appealing to you, press, to please encourage our kababayan to watch our films.”
 
May plano na ba si Direk Brillante kung kailan ito ipapalabas sa bansa?
 
“Parang narinig ko na i-MMFF [Metro Manila Film Festival] niya,

“Parang nag-iba ng category na yung MMFF, parang gusto niyang isali para makita naman.”
 
Sa isang banda, sa drama nanalo ng tropeyo si Jaclyn at isa sa maituturing na pinakamataas na parangal sa isang Filipino actress.

Pero sa bago niyang programa sa GMA-7, ang A1 Ko Sa 'Yo, magpapatawa naman siya rito.
 
Pahayag niya, “My first love is drama, of course.
 
“Sadya ko yun, kapag kontrabida, siyempre para hindi ka kamuhian, timpla ko na yun.

“Pero itong pure comedy na ito, I have to work on it.

“Trabahuhin ko kasi nagmi-Millionaire’s Wife pa 'ko, sobrang evil, e.
 
“So, masakit sa ulo ‘to. Bukas Millionaire’s,  sa makalawa, ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN