Baron Geisler involved in altercation with indie film actor Kiko Matos

Sangkot na naman sa isang viral video si Baron Geisler. Sa pagkakataong ito, ang indie film actor na si Kiko Matos naman ang kanyang nakasuntukan sa isang bar. Ayon sa isang saksi, ipinagtanggol lang daw ni Baron ang waiter ng bar na pinagmumura diumano ni Kiko.


Ilang araw pagkatapos kumalat ang video ni Baron Geisler kung saan makikitang nakikipag-away siya sa ilang estudyante, isa na namang panibagong video ng aktor ang umiikot ngayon sa social media.

Read: Baron Geisler altercation with students caught on video

Sa bagong video na ito, sangkot na naman sa gulo si Baron.

Dito ay makikitang nakikipagsagutan at nakikipagsuntukan siya sa kapwa niya aktor na si Kiko Matos.

In-upload ang naturang video ng isang Facebook user na may handle name na Medmessiah CombatBoi noong May 25.

Kuha diumano ito sa Tomato Kick bar sa Tomas Morato, Quezon City. Ngunit hindi nabanggit kung anong araw naganap ang insidente.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawang aktor.

Maririnig lamang sa isang bahagi ng video ang sinabi ni Baron na may ‘dinesrespect’ ang kaalitan niya.

Ngayong gabi, May 27, nasa halos 500,000 na ang views ng video na ito.

DEFENDING A BAR WAITER? Ayon sa isang saksi na nag-comment sa video, masyado raw bastos ang nakasuntukan ni Baron, na akala niya ay isang "Amerikano."

Ngunit kinilala ng ilang nakapanood nito ang lalaki bilang ang indie film actor na si Kiko Matos.

Ayon pa sa diumano'y nakasaksi ng pangyayari, pinagmumura raw ni Kiko ang waiter dahil matagal nai-serve ang kanyang order.

Narito ang eyewitness account ni Justin:

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Baron upang kunin ang kanyang panig tungkol sa naturang video.

Nangako naman siyang magpapadala ng statement ngayong gabi.

Ngunit sa panayam ng News5 ngayong gabi, May 27, sinabi ni Baron na hindi pa sila tapos ni Kiko.

Samantala, wala pa ring pahayag si Kiko tungkol sa insidente.

Ngunit sa Facebook account niya ay tila tinawanan niya lang ito, base na rin sa usapan nila ng isang kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN