Keanna Reeves claims she had sex with these actors

Walang kagatul-gatol na pinangalanan ng sexy comedienne na si Keanna Reeves ang mga artistang naka-sex diumano niya sampung taon na ang nakalilipas. Sabi pa niya, "Wala namang krimen nangyari kasi aware naman kami that time and just enjoy life lang."


Pasabog ang ginawang pagbubulgar ni Keanna Reeves tungkol sa mga diumano'y nakatalik niyang male stars noon.

Ginawa ng sexy comedienne ang rebelasyong ito sa podcast na Good Times With Mo ni Mo Twister noong May 30. Kasama ni Mo bilang co-host sa naturang show si Mara Aquino.

Ayon kay Keanna, na hindi maamin-amin ang totoong edad, ang mga lalaki raw na ito ay halos nagsisimula pa lamang sa showbiz nang kanyang nakatalik.

"Out of curiosity" lang daw ang mga nangyari sa kanila o kadalasan ay one-night stand lamang.

Unang binanggit ni Keanna si Cogie Domingo.

Ayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition big winner, ilang beses daw silang nagtalik dahil nag-enjoy siya sa dating young star dahil magaling daw ito at may ipinagmamalaki pa.

“Nag-enjoy talaga ako dun siguro umabot kami ng one month,” sabi ni Keanna.

Kasunod naman na pinangalanan ni Keanna ang TV host-actor na si Luis Manzano.

Pagbubulgar pa niya, nanliligaw pa lamang daw noon si Luis kay Angel Locsin nang may nangyari sa kanila.

Matapos daw lumabas sa blind items at napangalanan na ang ugnayan nilang dalawa, hindi na raw nai-guest si Keanna sa mga programa ni Luis.

Kasunod na binanggit ni Keana ay si John Prats.

Ito raw ay nangyari paglabas nila sa Pinoy Big Brother house noong 2006.

Naging malapit daw sila sa isa’t isa ni John, pero pinili raw niyang iwasan ang aktor matapos may mangyari sa kanila dahil nagsisimula pa lang ito sa kanyang karera.

Binanggit din ni Keanna ang mga pangalan nina Jake Cuenca, Jay Manalo, at Joseph Bitangcol.

Ayon sa sexy comedienne, lahat ng mga male star na ito ay crush niya bago pa siya pumasok sa showbiz. At masuwerte raw siya na lahat halos ng crush niya ay nakasiping niya.

Marami pang ginawang rebelasyon si Keanna sa podcast tungkol sa kanyang sex life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“LUMANG ISSUE NA PO YUN.” Kinabukasan, May 31, hiniling ni Keanna sa mga nakapanood at nakarinig ng podcast na huwag na lamang seryosohin ang kanyang mga naging rebelasyon sa show.

Sa pamamagitan ng Facebook, sinabi niyang lumang isyu na raw kasi ito at malaki na ang naging pagbabago ng mga taong nabanggit niya.

“GOODMORNING!!! sa lahat po ng nakapanuod kagabi ng GTWM wag nyo nalang masyado seryusohin if ever may namention man akong names kasi po lumang issue napo yon...

“Search nyo na lang kung sino yong intresado pa sa issue from (2006-2010 tv,radio,dyaryo) that was BLIND ITEMS time pa.

“Naissue na po yon 10 years ago na po at nanahimik na sila at dala lang yon ng kabataan.

“Ngayon nagmatured na ang lahat kaya maybe good or bad experience man yon, ang importante move on na and dont make it seriuosly.

“Wala namang kremin nangyari kasi aware naman kami that time and just enjoy life lang... wala naman ako nadagdag na bagong issue lahat puro lumang issues... alam naman natin si MO TWISTER hindi uso sa kanya yong kaplastikan e di lalo na ako!

“Kaya sa side ko I always tell my own stories and base on reality, i never hurt anyone and as much as possible i never lie... (only my age) hahaha!

“I’m not perfect and I’m not a saint para magmamalinis!!!

“Everyone have there own ghost but make it sure you learn from it either good or bad...”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng mga nabanggit na aktor tungkol sa alegasyon ni Keanna.

RIFT WITH PRINCE STEFAN. Samantala, kahit hindi na pinag-usapan ang away nila ng StarStruck alumnus Prince Stefan, sinabi na rin ni Keanna ang totoong dahilan ng away nila.

Nangyari raw ito sa loob ng taxi papuntang airport sa Korea noong pauwi na sila sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtalo raw kasi sila pagkatapos ma-late ni Prince dahil may pinuntahan daw itong hindi nila alam.

Sinabihan daw siya ni Prince ng: ‘Pokpok ka lang, wala ka namang talent. Bobo ka naman magbasa, tsaka laos ka na, 'no.’

Sinabihan din daw siyang ‘squatter.’

Ito raw ang dahilan ng kanyang labis na galit sa dating kaibigan.

Read: Keanna Reeves accuses StarStruck alumnus Prince Stefan of verbal assault, abuse


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN