Michael Pangilinan happy that Garrie Concepcion and family accept his baby

Michael Pangilinan says his being a single father has not affected his relationship with Garrie Concepcion and her family. "Doon ko napatunayan na talagang hindi yung pangit yung tinitingnan sa 'yo, e. Kung anong merong puso ka ngayon."


Mas gusto raw ngayon ng singer na si Michael Pangilinan na panatilihing pribado ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Garrie Concepcion.

Ang mahalaga raw ay masaya sila sa estado ng kanilang relasyon ngayon.

Paliwanag niya, “Okay lang na umamin ako, pero hindi ko kailangang ikuwento yung detalye ng pagmamahalan namin.

“I have my own private life and I'm happy now.

“We're in good terms. We’re really really good and we're happy.”

Dagdag pa ni Michael, “I'm so proud of her dahil kung ano man siya ngayon at kung ano man kami ngayon.

“At sobrang natutuwa ako dahil nagkakaintindihan kami sa trabaho, sa time management, sa decision-making, at sa respeto sa isa't isa, and that's it.

“I don't have to explain kung kailan kami naging official, basta masaya ako at masaya din siya at masaya tayong lahat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael sa premiere night ng pelikula niyang Pare Mahal Mo Raw Ako noong Martes, May 31.

Noong Lunes naman, May 30, umamin si Michael tungkol sa relasyon nila ni Garrie sa Tonight with Boy Abunda.

FAMILY ACCEPTS BABY. Masaya ring ibinahagi ni Michael na magkasundo ang mga pamilya nila ni Garrie.

“Both sides, we're good. Open siya, open ako sa kanila.

“Nakakapunta ako sa kanila, nakakapunta siya sa amin; and nakikipag-usap naman yung family ko sa family niya.”

Sayang nga raw at hindi nakadalo ang ina ni Garrie na si Grace Ibuna sa premiere night ng Pare Mahal Mo Raw Ako.

“I think tonight, the reason why Tita Grace is not here, may flight siya.

“Sa family ni Garrie, sobrang wala akong masasabi, sobrang tinanggap ako kung sino ako.”

Subalit ang lubos daw na ikinatutuwa ng singer ay ang naging maluwag na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Garrie kahit siya ay may anak na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Yun ang pinaka minahal ko sa kanilang lahat. Mahirap makahanap na ngayon.

“Ako, sa totoo lang po, ha, mahirap.

“Kunyari ako yung babae, hindi ako maghahanap ng may anak, di ba? Kasi gusto ko wala.

“Pero hindi, doon ko napatunayan na talagang hindi yung pangit yung tinitingnan sa 'yo, e. Kung anong merong puso ka ngayon.”

Masasabi naman ng Kapamilya singer na dahil sa mga nangyari sa kanya noon ay mas naging mature siya ngayon.

“I think super mature na ako ngayon dahil kung ano yung pinagdaanan ko before, tinake ko yun as a lesson for me.

“And I think nakatulong yun sa kahit anumang ginagawa na decision ko ngayon, kung ano yung pagkakamali ko before.

“Kapag nalalaman ko at nakakaramdam ako ng puwedeng mangyari dito sa ngayon, nape-prevent ko na siya.

“At least naintindihan ko kung ano yung mali sa ngayon.”

Hindi pa rin daw nakikilala ni Michael ang ama ni Garrie na si Gabby Concepcion.

Ayon naman kay Garrie, looking forward ang kanyang ama na makilala ang boyfriend.

Read: Garrie Concepcion says her Papa Gabby is looking forward to meeting BF Michael Pangilinan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN