GMA News reporter Cesar Apolinario speaks up about catcalling incident involving President-elect Duterte

Ayon sa GMA reporter na si Cesar Apolinario, kahit talamak na ang ang catcalling o paninipol ng mga lalaki sa mga babae dito sa bansa, mas malaking kamalian daw ito kapag mismong ang presidente ang gumawa nito. Sabi niya sa isang mahabang Facebook post, "PERO IBANG USAPAN NA KAPAG ANG GUMAWA AY MISMONG LIDER NG BANSA AT SA GITNA PA MISMO NG PRESSCON. TELEVISED AT TIYAK NA MAY NAKAPANOOD NA BATA."


Naghayag ng kanyang pananaw ang GMA reporter at indie film director na si Cesar Apolinario tungkol sa catcalling incident sa pagitan ng kapwa niya reporter na si Mariz Umali at ni President-elect Rodrigo Duterte.

Read: GMA News reporter Raffy Tima to Duterte: 'Catcalling My Wife Is Wrong In So Many Levels.'

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post kahapon, June 2, sinabi ni Cesar na talamak na sa bansa ang catcalling o paninipol ng mga kalalakihan sa mga magaganda at seksing babae.

Minsan pa nga raw ay humahantong ito sa away at patayan.

Saad ng GMA News reporter, “Sa Pilipinas, uso ang catcalling sa umpukan ng mga tambay tuwing may mapapadaang sexy o magandang babae.

"Sipol ang tawag dito.

“Uso rin ito sa mga nag-iinuman sa kalye na madalas ay pinagsisimulan ng away lalo na kung may kasama ang babae na binastos.

“Natural lang na ipagtanggol ng kasamang lalaki. At madalas pa nga ay nauuwi sa patayan.

“Sa mga may kaya sa buhay, lalo na sa mga nakasakay sa private car, hindi rin nawawala ang pagsipol o biglang pagtingin ng mga kalalakihang sakay nito.

“Na kadalasa'y pinagsisimulan ng tawanan ng mga kalalakihan na may kasabay pang mga bastos na salita.

“Mayaman, mahirap, ginagawa ang catcalling.

“Ang kaibahan lang madalas ay kakaunti ang audience, meaning yung mga maiinis o madidismaya o matutuwang kalalakihan sa umpukang ito ay mabibilang lang sa daliri. Dahil nga ginawa ito sa umpukan sa kalye o sa mismong loob ng sasakyan.”

Pero ayon kay Cesar, iba na ang usapin kapag mismong presidente ng bansa ang gumagawa nito, lalo na't nasa kalagitnaan ng isang presscon at live na napapanood sa telebisyon.

“PERO IBANG USAPAN NA KAPAG ANG GUMAWA AY MISMONG LIDER NG BANSA AT SA GITNA PA MISMO NG PRESSCON. TELEVISED AT TIYAK NA MAY NAKAPANOOD NA BATA.

“SA KATOTOHANAN, KANINA KO LANG NALAMAN ANG ISTORYANG ITO AT MISMONG ANAK KONG BABAE PA ANG NAGTANONG SA AKIN, MISMONG INAANAK PA NG JOURNALIST NA GINAWAN NITO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“SI Mariz Umali, NA ANG TAWAG KO MADALAS AY 'BUNSUY.'

“ISANG JOURNALIST NA RELIHIYOSA, MABAIT, MASUNURING BATA SA MAGULANG, AT HIGIT SA LAHAT ISANG BABAENG JOURNALIST NA HINDI SANAY NA NAKARIRINIG NG MURA O BASTOS NA MGA SALITA.

“Nawa'y hindi ito maging ehemplo o gawing basehan ng mga kalalakihan para sabihing legal o walang masama ang catcalling dahil presidente mismo ang gumawa.

“Guys, may matino tayong pag-iisip para masabing ang mali ay mali at ang mali ay hindi kailanman nagiging tama lalo na sa harapan ng mas nakababata sa atin.

“FOR THE BETTER PHILIPPINES, CHANGE MUST START IN OUR WORKPLACE, IN OUR COMMUNITY, MOST IMPORTANTLY... IN THE COMFORT OF OUR HOME.”

Ayon naman kay Mariz, kahit man daw hindi magandang aksyon ito mula sa bagong pangulo, hindi naman na daw siya naghihintay na humingi ito ng paumanhin sa kanya.

Read: Mariz Umali not expecting an apology from president-elect Rodrigo Duterte


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN