Robin Padilla defends Duterte: "Hindi lamang tenga dapat ang gumagana sa atin."

Action star Robin Padilla defends President-elect Rodrigo Duterte, who recently drew flak for his statement on slain journalists and for catcalling a reporter.


Ipinagtanggol ni Robin Padilla si President-elect Rodrigo Duterte, partikular na ang paraan ng pagsasalita nito.

Simula pa lamang, may mga hindi na pumapabor kung paano magsalita ang outgoing Davao City mayor, na prangka at nagmumura kapag nagsasalita kahit sa harap ng maraming tao.

Marami ang nag-react nang magpahayag ito tungkol sa ilang mamamahayag na pinaslang dahil corrupt at may pinapanigan daw ang mga ito.

Read: President-elect Rodrigo Duterte says murdered journalists are corrupt, biased

Kamakailan din, muli na namang nasangkot sa kontrobersiya si Duterte matapos niyang sipulan ang GMA News reporter na si Mariz Umali habang nagtatanong sa isang press conference sa Davao City.

Read: GMA News reporter Raffy Tima to Duterte: 'Catcalling My Wife Is Wrong In So Many Levels.'

ROBIN DEFENDS DUTERTE Sa pamamagitan ng kanyang Instagram nitong weekend, ipinagtanggol ni Robin si Duterte.

Kilala si Robin na isang solid supporter ng bagong halal na pangulo.

Nagbigay ng payo ang action star kung paano dapat tanggapin ang pagsasalita ni Duterte.

“Ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni Mayor Duterte/El Cid ay tanggapin nating lahat na parang buhay nating mga tao na hindi lahat ng naranasan sa buhay ay naging pabor sa atin ngunit nagsilbing aral ito para tayoy maging matibay at magsumikap!!”

Dugtong niya, “Mapalad tayo at nagkaroon tayo lahat ng ama sa anyo ni Digong na nagsisilbing hudyat para magtagumpay.

“Tunay na napakasarap makinig sa kwento ng isang pinunong tumupad sa kanyang mga pangako at tungkulin.”

Depensa pa ni Robin, hindi lang dapat tenga ang ginagamit kapag nakikinig kay Duterte.

“Hindi lamang tenga ang dapat gumagana sa atin kapag nagsasalita si Mayor Duterte/El Cid dapat ang mga mata rin natin ay bukas sa katotohanan, ang isip natin ay bukas sa pagbabago at ang puso natin ay bukas sa sakripisyo.”

Ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni mayor duterte/el cid ay tanggapin nating lahat na parang buhay nating mga tao na hindi lahat ng naranasan sa buhay ay naging pabor sa atin ngunit nagsilbing aral ito para tayoy maging matibay at magsumikap !! Mapalad tayo at nagkaroon tayo lahat ng Ama sa anyo ni Digong na nagsisilbing Hudyat para magtagumpay .. Tunay na napakasarap makinig sa kwento ng isang Pinunong tumupad sa kanyang mga pangako at tungkulin....... Hindi lamang tenga ang dapat gumagana sa atin kapag nagsasalita si Mayor Duterte/el cid dapat ang mga mata rin natin ay bukas sa katotohanan, ang isip natin ay bukas sa pagbabago at ang puso natin ay bukas sa sakripisyo. Silence becomes cowardice when occasion demands speaking out the whole truth and acting accordingly. -Mahatma Gandhi

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Bukod pa rito, sa kasagsagan ng isyu ng pagsipol ni Duterte kay Mariz, nag-share ng mga larawan si Robin sa Instagram ng tila pagsuporta sa incoming president, bagamat walang captions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kagaya na lamang ng pag-screen grab niya ng tweet ng abugado at journalist na si Teddy Boy Locsin.

Ayon sa tweet ni Teddy Boy, hindi umano iniendorso ni Duterte ang pagpaslang sa mga corrupt na journalist, kundi hindi siya nagulat kung bakit napaslang ang mga tinutukoy na journalists.

Sa kanyang Facebook post noong June 2, ibinahagi naman ni Robin ang ilang quotes mula sa dalawang world leaders—ang former Singapore Prime Minister na si Lee Kuan Yew at ang American Muslim minister na si Malcolm X.

Binanggit niya na sinabi ni Lee Kuan Yew na disiplina ang mas kailangan ng isang bansa upang umunlad at hindi demokrasya.

Habang sinabi naman ni Malcolm X na: “The media is the most powerful entity on earth. They have the power to make the innocent guilty and to make the guilty innocent, and that's power. Because they control the minds of the masses.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN