President-elect Rodrigo Duterte announces he will turn down interviews until end of his term

President-elect Rodrigo Duterte says he it is better to say no to interviews, "No interview, no criticisms, no wrong statement, no nothing."


Tila seryoso si President-elect Rodrigo Duterte sa kanyang pahayag na hindi na siya magsasagawa ng mga press conference upang makapanayam ng media.

Nitong Biyernes, June 3, sinabi ni Christopher “Bong” Go, executive assistant ni Duterte, na wala na munang press conferences ang President-elect “for the mean time.”

“Sa ngayon, walang presscon, para walang mali,” pahayag ni Go.

Sinabi pa ni Go na ang mga pahayag ng bagong halal na pangulo ay idadaan sa state-owned television network na People’s Television Network o PTV4.

Samantala, sa social media accounts ng TV5 reporter na si France Noguera, naka-post ang video clip ng interview ni Duterte na nagsalita tungkol sa “boycott” niya pagdating sa interviews ng media.

Ipinost ang nasabing video nitong umaga ng Lunes, June 6.

“Sorry, ha, talagang ano ako, boycott talaga,” sabi ng incoming president.

Inusisa ito kung hindi na magbabago ang kanyang desisyon.

Sagot ni Duterte, “Interview, maraming mali, marami na namang criticisms.

“So no interview, no criticisms, no wrong statement, no nothing.

“So shut up. Ayoko na talaga.”  

Nang tanungin kung hanggang kailan ang pagbu-boycott niya sa media, tugon ni Duterte, “Wala. Until the end of my term.”

Inusisa pa siya kung bakit, pero paiwas niyang sagot: “Basta. Wala. Ayoko na.”

Nasangkot kamakailan sa kontrobersiya si Duterte nang sipulan niya ang GMA News reporter na si Mariz Umali nang nagtanong ito sa isang presscon sa Davao City noong nakaraang linggo.

Read: GMA News reporter Raffy Tima to Duterte: 'Catcalling My Wife Is Wrong In So Many Levels.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN