Rochelle Pangilinan defends Maine Mendoza against bashers

Rochelle Pangilinan tells her Twitter followers to avoid giving negative comments about Maine Mendoza.


Kasunod ng kanyang reaksiyon sa lumang Twitter post ni Maine Mendoza, dinepensahan ni Rochelle Pangilinan ang Eat Bulaga! star laban sa mga negatibong komento mula sa netizens.

Sa Twitter post niya ngayong gabi, June 6, pinaalalahanan ng dancer turned actress ang kanyang followers na iwasang magbigay ng negatibong komento tungkol kay Maine.

Mensahe ni Rochelle, “Kaya sya blessed ay dahil mabait syang tao.”

Dagdag pa niya, “Mahalin ang kapwa, guys.”

Umani ng batikos ang naunang Twitter posts ng dating miyembro ng SexBomb Dancers, kung saan ni-retweet niya ang lumang post ni Maine tungkol sa long-running afternoon soap na Daisy Siete.

Noong una ay pinagdudahan ni Rochelle ang lumang post ni Maine noong 2010 dahil ilang beses nang na-hack ang social media accounts ng Dubsmash Queen.

Ngunit sa kasunod niyang post tungkol dito, sabi niya, kung sakaling totoo ngang si Maine ang nag-tweet nito, “Dedma.”

Read: Rochelle Pangilinan reacts to Maine Mendoza's alleged old tweet about SexBomb

Noong 2010 ay hindi pa artista si Maine at 15 years old pa lamang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN