Vina Morales denies engagement rumors

Itinanggi ni Vina Morales na engaged na sila ng boyfriend na si Marc Lambert. Matibay lang daw ang kanilang relasyon at maligaya sila ngayon sa piling ng isa't isa.


“Marc and I are not engaged.”

Ito ang diretsong sagot ni Vina Morales sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung engaged na ba sila ng kanyang French boyfriend na si Marc Lambert.

Lumikha kasi ng ingay ang kanyang Instagram post kung saan kitang-kita ang malaking singsing sa kanyang daliri habang nakabakasyon sila ni Marc sa Switzerland.

Read: Is that an engagement ring on Vina Morales's finger?

Ayon pa sa Born For You star, patuloy na nagiging matibay ang samahan nila ni Marc ngayong halos mag-iisang taon na ang kanilang relasyon.

Pahayag ng 40-year-old singer-actress, “Our relationship is going stronger and stronger and we are very happy being together. We are compatible in so many ways.”

Hindi rin daw laro lamang ang kanilang pagmamahalan.

“Definitely this is not a 'just for fun' relationship.

“We both pray to end up together, so I'm leaving it up to Him.”

Narito ang kabuuang text message na ipinadala ni Vina sa PEP ngayong Martes ng madaling-araw, June 7:

“Scanning my old messages and read this, I have overlooked messages ‘coz I was on a trip and have to settle things for my daughter Ceana when I arrived and went straight to my tapings for Born For You.

“Marc and I are not engaged but our relationship is going stronger and stronger and we are very happy being together.

“We are compatible in so many ways, thanking God for it.

“Definitely this is not a 'just for fun' relationship.

“We both pray to end up together, so I'm leaving it up to Him.

“In God's time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN