Angel Locsin replies to this question: "Ikaw pa ba si Darna?"

Angel Locsin answers a netizen asking for update of Darna movie slated this year. The actress said that it is ABS-CBN, who should give update.


Isang netizen ang nagtanong kay Angel Locsin kung siya pa rin ba si Darna.

Sagot ni Angel: “As long as naniniwala ka.”

Nangyari ang palitan ng komento ni Angel at ng netizen sa comments section sa isa sa mga post ng aktres kamakalawa.

Ginampanan ni Angel ang Pinay superhero nang gawin itong teleserye sa GMA Network noong 2005.

Kinumpirma naman ng Star Cinema managing director na si Malou Santos noong 2013 na gagawing pelikula ang Darna at si Angel pa rin ang gaganap sa role.

Pero noong nakaraang taon, inanunsiyo ni Angel na kailangan niyang umurong mula sa proyekto dahil nagkaroon siya ng disc bulge at sumailalim sa dalawang operasyon bago matapos ang 2015 at sa simula ng 2016.

Lumutang ang pangalan ng ilang Kapamilya actresses kung sino ang posibleng pumalit kay Angel, subalit wala pang kinukumpirma ang ABS-CBN kung sino ang susunod na Darna.

Isa pang netizen ang nagtanong kay Angel kung ano na ang update sa Darna movie ngayong 2016, dahil halos tatlong taon na raw naghihintay ang fans kung matutuloy pa ba ang pelikula.

Sagot ni Angel: “ABS po ang makapag-update po.”

Nitong January, lumabas ang panayam kay Erik Matti, ang magdidirek ng pelikula, at sinabing ang ABS-CBN umano ang siyang mag-aanunsiyo kung sino ang susunod na Darna.

Kinumpirma rin ni Direk Erik na itutuloy ang paggawa ng pelikula upang hindi ma-frustrate ang mga fans.

“But of course we have to push forward and we don't want to frustrate the audience. That's why ABS-CBN, particularly Star Cinema, immediately decided to make the teaser, so that everyone will be assured na matuloy ang Darna, kahit na ganun ang nangyari kay Angel.”

Read: PEP EXCLUSIVE: Who is the new Darna? Direk Erik Matti gives his comments

Ang tinutukoy ni Direk ay ang teaser ng Darna na ipinalabas sa mga sinehan noong Metro Manila Film Festival 2015 bilang paniniyak ng ABS-CBN na itutuloy ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala ng text message ang PEP sa Star Cinema Ad Prom habang isinusulat ang balitang ito upang humingi ng update tungkol sa pelikula, ngunit hindi pa sila sumasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN