Alma Concepcion lambasts bashers who called her ''papansin'' while filing NBI report related to concert tragedy

Alma Concepcion lambasts bashers who called her "papansin" while filing an NBI report regarding her eyewitness account of the controversial Close Up Forever Summer Concert tragedy. She also said that she doesn't need fame anymore at her current age.


Naglabas ng hinaing ang former beauty queen-actress na si Alma Concepcion nang diumano’y tawagin siyang papansin ng ilang tao matapos niyang mag-file ng report sa NBI.

Ito ay tungkol sa kanyang mga nasaksihan sa kontrobersyal na Close Up Forever Summer Concert noong May 21 sa Mall of Asia concert grounds kunsaan limang teenagers ang namatay.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima.

Sa kanyang Facebook post kahapon, June 11, hindi niya dinetalye kung kailan nangyari ang pakikipag-usap niya sa NBI, suballit sinabi ni Alma na napaisip siya dahil tinawag siyang papansin ng ilang tao kahit na siya raw ang “sinugod” ng media noong araw na iyon.

Saad niya, “Just wondering... Kami ang sinugod ng media pero sabi ng ibang tao "papansin" daw ako?

“Ambush interview nga yung sa NBI Death Investigation Dept. Plus, we were invited BY NBI po. We went there discreetly without knowing [na] may press dun.

“Prior to that, the media was looking for me & I didn’t grant any interview. I was not answering their invitations & calls. We decided to just deal directly to the families involved lang, eventually to NBI lang to give direct coordination.

“Malay ko ba na may press dun nagulat nga kami at di prepared. Ibang tao nga naman. Tamad mag-isip ng konting lalim.”

Hindi rin daw siya makapaniwalang may mga kumwestiyon pa kung bakit siya mangiyak-ngiyak sa NBI.

“And some questioned why I was teary eyed. Wow. Unbelievable.

“I was with the family who died in NBI. They were in the next room. The air was so intense. Subukan nyo kaya pumasok as witness sa DEATH INVESTIGATION DEPT ng NBI.

“Buti nga hindi ako hinimatay, e. MARAMI PO ANG NAMATAY. Parang OZONE tragedy. Di ka maiiyak na may nanigas sa harap mo?”

Ang tinutukoy ni Alma na Ozone tragedy ay ang naging malaking sunog sa Ozone disco noong 1996 kunsaan halos 160 na tao ang namatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sinasabi naman niyang may nanigas sa harap niya ay noong masaksihan niya ang isang dalaga na biglang nanghina at nanigas noong Close Up Forever Summer Concert.

Read: Alma Concepcion shares eyewitness account of Forever Summer tragedy

“DI KO KAILANGAN NG FAME.” Isinaad rin ni Alma na sa edad niyang 40 anyos, hindi na niya kailangan ang kasikatan.

“AND di ko na kailangan ng FAME. Graduate na po ako diyan. Dinaanan ko na po ang lahat ng yan di lang sa Pilipinas no. (Kung KSP ka pa rin sa edad kong ito, naku, malaking problema yan sa pag-iisip).

“SOBRA at BUSOG NA BUSOG na ako sa pagmamahal & attention ng mga nagmamahal sa akin & I’m content with the love of the people dear to me (kaya nga I have been living as a private citizen since I became a hands-on mom for 17 years & a full-time student for 5 years. Totally away from limelight di ba).”

Wala raw kinalaman ang kasikatan sa ginawa niyang pagbibigay ng statement sa NBI para makatulong sa pamilya ng mga namatay.

“My conscience compelled me to give my sworn statement sa NBI. VOLUNTEER work yun. WALA PO AKONG MAPAPALA SA GINAWA KO. It was a SELFLESS act. DI PO PARA SA AKIN YUN.

“I went there not as a celebrity but as a human being. To extend help in my smallest way to the families who lost their loved ones.

“AND MY CONSCIENCE pushed me to go, since we noticed that even after weeks from the event, no one even started to speak up.

“The Fontejon family thanked us for initiating & sharing what we saw & they are hopeful that our move would encourage more witnesses to do the same.”

INTERNET GENERATION. Sa huling bahagi naman ng kanyang Facebook status ay may pahabol siyang sinabi tungkol sa pagiging bastos ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinumpara niya pa ang henerasyon nila noon sa ngayon, na tinawag niyang “Internet Generation."

Sambit niya, “Bakit noong lumalaki ako, bibihira lang ang mga bastos na tao? Pag may bastos pinapagalitan ng mga matatanda.

“Bakit noong bata ako, mahiyain ang mga taong mambastos. Kahit nung teenager ako maraming NAHIHIYA na gumawa ng maling asal.

“Bakit ngayon parang normal na ang mag-isip at magsalita ng masama sa kapwa? Anong nangyayari sa mundo? Eto ba ang na-idudulot ng "internet generation"? Kung ganun, aba, mas ga-grabe pa pala ito...”

Nilinaw naman niyang hindi siya na-offend sa mga salitang kanyang narinig sa mga bashers, subalit napapaisip siya kung ano na ang mangyayari sa mga future generations.

“BTW I don’t get hurt with words... Sanay na po ako diyan & at my age, being a celebrity since I was in my pageant years in my teens, with ALL my past experiences, I can say that time has toughen me.

“I AM MORE OF CURIOUS ON THIS VERY INTRIGUING GENERATION. I wonder how it would be a decade from now.. hmmmm.

“The arrogance of some people nowadays is so different from before.. people then were more RESPECTFUL.

“LAOS AKO? At least sumikat. E, sila?”

Pinabulaanan din ni Alma ang nagsasabing siya ay isang drug addict.

“ADIK AKO? Adik na agad? Baka pwedeng nakatikim nung teenager ako.

“Ang taba ko namang adik. Hirap na hirap nga ako pumayat, e...

“Kung totoo yan, e di hindi ko natapos mag-aral sa UP Diliman at mag-take & mag-pass ng Interior Design Board Exam di ba?

“Some people are indeed lazy to think deep... sigh.”

Nagsimula si Alma bilang isang beauty queen nang manalong Binibining Pilipinas Miss International noong 1994.

Matapos mag-compete sa Tokyo, Japan at manalo bilang Miss Friendship sa Miss International pageant noon, pumasok siya sa mundo ng showbiz.

Ilan sa mga proyektong nagawa ni Alma ay ang pelikulang Sa Ngalan ng Pag-ibig (1995) at mga teleseryeng Krystala (2004) at Precious Hearts Romances presents Pintada (2012).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huli siyang napanood sa indie film na Babagwa noong 2013.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN