Jose Manalo clueless about Paolo Ballesteros's return in Eat Bulaga!

Jose Manalo on Paolo Ballesteros: "Ang sabi ko lang kay Paolo, mag-pray lang. Kung anuman ang dahilan, itanong mo sa Kanya [the Lord]. Unti-unti, ipaparamdam Niya sa 'yo na eto yung solusyon na gagawin natin. Huwag niyang salubungin ng init ng ulo. Huwag niyang kontrahin ang takbo kung anuman yung nangyayari sa kanya."


Matagal-tagal na ring hindi napapanood na magkakasama ang JoWaPao sa telebisyon, lalo na sa Eat Bulaga.

Ang JoWaPao ang comedic triumvirate nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Hindi napapanood ngayon si Paolo sa Eat Bulaga! dahil usap-usapang nasuspinde siya sa hindi pa matukoy na dahilan.

Read: Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga for six months?

Pahayag ni Jose tungkol kay Paolo, “Well, sana makabalik na agad.

“Nami-miss din namin at iba rin yung tatlo kami.

“Una, kami lang ni Wally. Pero nung nailagay si Paolo, mas naging masaya.

“Sana makabalik at maging okey na rin ang lahat.”

Kapag nakakausap niya si Paolo, kumusta naman ito?

“Last week ko lang naka-text si Paolo… okey naman siya.

“Si Paolo naman kasi, wala namang masyadong arte na tao yun sa buhay, parang masaya na rin siya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jose sa press conference ng upcoming comedy series ng GMA Network na Hay Bahay! noong Lunes, June 13.

Kagaya ni Paolo ay minsan na ring napagdaanan nina Jose at Wally ang masuspinde sa Eat Bulaga! dahil sa mga kinasangkutan nilang isyu.

Saad ni Jose, “Ang sabi ko lang kay Paolo, mag-pray lang.

“Kahit kay Wally noong may nangyari... kasi kung may nangyari mang ganyan, may dahilan.

“Kung anuman ang dahilan, itanong mo sa Kanya [the Lord].

“Unti-unti, ipaparamdam Niya sa ‘yo na eto yung solusyon na gagawin natin.

“Huwag niyang salubungin ng init ng ulo.

“Huwag niyang kontrahin ang takbo kung anuman yung nangyayari sa kanya.”

Sa ngayon, wala pa raw balita si Jose kung kailan muling mapapanood si Paiolo sa Eat Bulaga.

May balitang tatagal daw ng anim na buwan bago makabalik si Paolo sa show.

“Yun ang sabi, pero siguro hindi naman talaga matutuloy yun,” sabi ni Jose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN