PEP SCOOP. Cedric Lee all set to file 6 counts of libel vs Vina Morales

Matapos ang ilang araw na pag-aaral at paglikom ng mga ebidensiya, tuloy na ang paghahain ni Cedric Lee ng 6 counts of libel laban sa dating karelasyon na si Vina Morales. Ito ay dahil pinagbintangan daw siya ng singer-actress na sapilitan niyang kinuha ang kanilang anak na si Ceana sa loob ng siyam na araw.


Matutuloy na sa Lunes, June 20, ang pagpa-file ni Cedric Lee ng reklamong libelo laban sa ex-girlfriend na si Vina Morales.

Anim na counts ng libel ang ihahain ni Cedric laban sa singer-actress.

Sa eksklusibong pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cedric sa pamamagitan ng telepono ngayong araw, June 16, sinabi nitong napagdesisyunan niyang sa Nueva Ecija i-file ang limang counts ng libel at dito naman sa Metro Manila ang isa pa.

“I will file five counts of libel in Nueva Ecija because I was there with friends when this issue was brought to my attention.

“I will file another case in the city because of her interview yesterday [June 15] saying the court cited me for contempt.”

Nag-ugat ito sa isa pang panayam kay Vina kung saan sinabi niyang na-contempt of court daw si Cedric dahil sa hindi pagsunod sa itinakda ng korte na visitation rights nito.

Read: Vina Morales leaves battle with Cedric Lee in court

Dagdag pa ni Cedric, maghahain din ng hiwalay na libel complaint ang kapatid niyang si Bernice Lee sa Caloocan City sa darating na Martes, June 21.

“Bernice will also file a libel case in Caloocan.

“She has gotten away with a lot of things—people never said anything about it because they are private people.”

Taliwas sa naunang ulat ng PEP na anim na magkakahiwalay na kaso ng libelo ang isasampa ni Cedric laban kay Vina, gagawin na lamang itong 6 counts of libel.

Read: PEP SCOOP. Cedric Lee to file six libel cases against Vina Morales

Ito ay dahil, ayon sa abugado ni Cedric, baka ipag-utos ng huwes na pag-isahin na lamang ito samantalang iisa lang naman ang dahilan ng kanyang reklamo—ang bintang na sapilitan niyang tinangay ang anak nilang si Ceana ng siyam na araw.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vina Morales files complaint against Cedric Lee for forcibly detaining their daughter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Vina kaugnay ng artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN