PEP EXCLUSIVE. Vina Morales on Cedric Lee: "Ano ba ang gusto niya at ginugulo niya ako ngayon?"

Vina Morales on ex-boyfriend na si Cedric Lee: "We were never married. We were just a normal boyfriend/girlfriend. When I got pregnant, we were separated already. Nakaka-shock lang ang reaksiyon niya and behavior niya against me now. Na as if I have duties and responsibilities as a wife to him na nakaka-shock. Kaya tigilan na niya ako."


Nabasa na ni Vina Morales ang panibagong pahayag ni Cedric Lee dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kaugnay ito ng plano ng negosyanteng magsampa ng six counts ng libel sa Nueva Ecija at Metro Manila laban kay Vina at sa pag-alma nito sa isang panayam ng singer-actress tungkol sa diumano’y behavioral changes ng seven-year-old daughter nilang si Ceana.

Ayon sa 40-year-old Kapamilya star, ipapaubaya na niya sa kanyang mga abugado ang tungkol sa libel case na isasampa ng dating karelasyon.

Sa eksklusibong pahayag na ipinadala ni Vina sa PEP ngayong Biyernes ng umaga, June 17, sabi niya, “I have answered those questions already and, if so, I’ll let my lawyers take care of it.”

Ang tinutukoy ni Vina ay ang nakatakdang pagsasampa ng five counts of libel ni Cedric sa Nueva Ecija at isa pa sa Metro Manila sa darating na Lunes, June 20.

Malaiban dito, magsasampa rin daw ng hiwalay na libel case laban kay Vina ang kapatid ni Cedric na si Bernice Lee sa Caloocan City.

Read: PEP SCOOP. Cedric Lee all set to file 6 counts of libel vs Vina Morales

“SAYANG LANG ORAS KO.” Sa isa pang artikulo ng PEP, inalmahan ni Cedric ang isang panayam ng ex-girlfriend kung saan tahasang sinabi ni Vina na nagkaroon diumano ng mga pagbabago sa kilos ng kanilang anak matapos itong makabalik mula sa siyam na araw na pananatili sa piling ng ama.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee quashes Vina Morales's claim about behavorial changes in their daughter

Reaksiyon dito ni Vina, “Naku, sayang lang yung oras ko para patulan siya at sagutin ang mga sinasabi niya.

“Like what I’ve said, it was the court who cited him for contempt, hindi po ako.

“Mag-file na rin siya ng kaso laban sa korte.

“Nanahimik ako. We’ve been separated for seven years now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano ba ang gusto niya at ginugulo niya ako ngayon?”

Dagdag ng singer-actress, “Also, artista ako at natatanong sa buhay ko at sa kinalalagyan ko ngayon

“Hindi ko na kailangan gumawa ng istorya para pag usapan.

“Teka, artista din ba siya?”

Ayon pa kay Vina, naka-move on na siya sa kanyang buhay matapos silang naghiwalay ni Cedric.

“I’ve moved on and I’m very happy now.

“Why don’t he focus on his wife and his two sons who need his attention more and support?

“I am a single mom and I don’t ask anything financial for Ceana.

“Ako po lahat gumagastos sa anak ko.

“Dapat magpasalamat pa nga siya sa akin dahil wala na ngang suporta, may visitation rights pa.”

Tungkol naman sa mga larawan nina Cedric at Ceana, sabi ni Vina, “I saw the photos. Ang baby, baby pa ni Ceana dun and super cute.”

"TIGILAN NA NIYA AKO." Sa huli, nakiusap si Vina na tigilan na siya ni Cedric dahil nandidiri na raw siya sa inaasta nito.

“To add, we were never married. We were just a normal boyfriend/girlfriend.

“When I got pregnant, we were separated already.

“Nakaka-shock lang ang reaksiyon niya and behavior niya against me now.

“Na as if I have duties and responsibilities as a wife to him na nakaka-shock.

“Kaya tigilan na niya ako... Hilas kaayo ka, 'Dong (Kadiri ka talaga)!”

Hihingan ng PEP ng kanyang reaksiyon si Cedric ukol dito at kaagad namin itong ilathala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN