Sam YG and Joyce Pring "serious" about each other

Sam YG on fellow radio host Joyce Pring: "I love spending time with Joyce."


Ano ba talaga ang real score sa pagitan ng radio hosts na sina Sam YG at Joyce Pring?

Kamakailan lang ay ginulat ng kasamahan ni Sam sa Boys Night Out na si DJ Tony Toni ang kanilang fans sa pagpu-post niya ng tila kumpirmasyon ng relasyon ni Sam sa kapwa DJ na si Joyce.

Read: Are Sam YG and Joyce Pring in a relationship?

Kaya naman sa ginanap na “Cheesy Face-Off” nina Sam at Joyce para sa ini-endorso nilang Burger King ngayong araw, June 17, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano na ba talaga ang estado ng kanilang relasyon.

Sagot ni Sam, “We're very happy. I love spending time with Joyce.

I think, hindi naman nagla-lie yung photos, di ba? Kung ano ang nakita niyo, tumatawid na 'yan.

Hindi naman kami nag-a-acting diyan. Ewan ko sa kanya kung nag-a-acting siya.

Ako, seryoso ako at saka hindi ko naman kayang dayain ang feelings ko.”

Agad naman siyang biniro ni Joyce ng: “Seryoso ka ba talaga?”

Sagot ni Sam, “Mag-usap nga tayo nang seryoso!

“Sumeseryoso na ako, e. Ikaw baka dyinu-joke mo pa rin, e.”

Pero pag-amin ni Joyce, “Seryoso na rin ako.

“You know what, I really love spending time with this guy.

At saka halos lahat ng bagay kasi, we get to do together, which I think is very lucky of us.

“Ayun, kilig.”

Pero hanggang sa huli, hindi pa rin tinukoy ng dalawa kung ano talaga ang mayroon sa kanila.

Sabi lang nina Sam at Joyce: “Watch out! Malalaman natin nang sabay-sabay!”

What's the real score between @_samyg and @joycepring? ???? #SamPringCheesyFaceOff

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Sa ngayon, heto muna ang kilig video para sa fans ng #SamPring love team:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN