Paolo Gumabao undaunted if his past naughty romp online comes out

Paolo Gumabao dismisses his improper cyberchat behavior as a folly of his youth, "I'm being honest lang naman, basta, okey na yun… I was young, I was immature."


Anak si Paolo Gumabao ng dating aktor na si Dennis Roldan na kasalukuyang nakakulong sa salang kidnapping.

Read: Dennis Roldan gets guilty verdict for kidnapping Filipino-Chinese boy in 2005

May development na ba ang kaso ng kanyang ama?

“Baka um-appeal po siya. Aapela siya,” tugon ni Paolo.

Pero baka raw mahirapan dahil bago ang Presidente ng bansa, si Rodrigo Duterte.

“He’s a much stricter President, he’s a strict guy, everyone knows naman that.”

Tuwing Linggo ay dinadalaw raw ng magkapatid na Paolo at Marco ang kanilang ama.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang seventeen-year-old male actor sa presscon ng I Love You To Death noong Biyernes, June 10, sa Valencia Events Place sa Quezon City.


YOUTHFUL FOLLY. Samantala, umamin si Paolo na noong hindi pa siya artista ay naranasan na niya ang makipag-cyberchat.

“When I was younger… three years ago, when I was fourteen years old.”

May nagawa na ba siya na masasabing improper habang nakikipag-cyberchat?

“Hindi natin alam, hindi natin alam… well, oo.

“I’m being honest lang naman, basta, okey na yun… I was young, I was immature.

“That time, hindi pa ako nag-aartista so I wasn’t worrying about it too much.”

Artista na nga siya, may takot ba siya na baka nai-record ng ka-chat niya kung meron man siyang nagawa na hindi kanais-nais noon?

“Kung lalabas ngayon… hindi ako natatakot.

“Kung lalabas e di lalabas wala akong magagawa, 'di ba?

Hindi siya maaapektuhan?

“Hindi,” at tumawa si Paolo, “It could, it could.

“Pero if that’s what God wants, then wala akong magagawa.

“Pero the girl was someone I knew very closely and I trust naman na hindi niya ilalabas.”

Magkaibigan pa rin daw sila ng naturang babae.

Recently ba ay ginawa niyang makipag-cybersex muli?

“Mula nung nag-start ako sa showbiz wala na.”


CAREER. Pangalawang full-length na pelikula na ni Paolo ang I Love You To Death.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Disyembre ay kasama siya sa Haunted Mansion.

Produced ng Regal Entertainment Inc. ang dalawang pelikula.

Naging guest din siya sa My Bebe Love nina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas at ng tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Alaga ng director at talent manager na si Manny Valera si Paolo.

Hindi pa raw siya nakakagawa ng proyekto sa GMA pero sa ABS-CBN ay napasama siya sa Oh My G! dati.

“Actually a few weeks ago, I went to a look test for a teleserye, ang Sinungaling Mong Puso.”

Binalikan na ba siya ng GMA kung pasok siya sa naturang serye?

“So far wala pa naman pong balita pero I hope soon they’ll call me and ask me.

“Or invite me to do their show. Sana!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN