Clarissa Sison leaves a comment on Sunshine Dizon's post: "No proof! So better stop all these."

"Why can't you tell it straight? Because you have no proof eh? Am I right? No proof!" Clarissa Sison commented on Sunshine Dizon's post.


Nag-post ng comment ang babaeng naka-tag sa Instagram post ni Sunshine Dizon noong Biyernes, June 17.

Matatandaang magkakasunod ang posts ni Sunshine sa Instagram tungkol sa isang Clarissa Sison.

Dahil dito ay naghinala ang maraming netizens na may pinagdadaanang problema ang pagsasama ng aktres at ng mister niyang si Timothy Tan.

Read: Sunshine Dizon posts cryptic messages on Instagram about mystery woman

Makalipas ang dalawang araw ay nagkomento ang isang IG user na may handle name na clang_sison, na pinaniniwalaang si Clarissa.

Dito ay tila pinabulaanan ni Clarissa ang mga paratang ni Sunshine dahil wala naman daw pruweba ang aktres.

Mensahe niya: “Don't imply. Why can't you tell it straight? Because you have no proof eh? Am I right? No proof! So better stop all these.”

Noong una ay naka-private ang Instagram account ni Clarissa na ang description sa kanyang profile ay ito: “Nobody has the right to judge anyone."

Pero ngayon ay naka-public na ito at iba na rin ang description sa kanyang profile.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainement Portal) sa anumang pahayag na nais iparating nina Sunshine at Clarissa tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN