Sunshine Dizon to husband Timothy Tan: "There is no forgiveness for what you did."

Sa unang pagkakataon ay inilabas na ni Sunshine Dizon ang kanyang saloobin sa diumano'y pagtataksil sa kanya ng mister na si Timothy Tan. Ayon sa aktres, walang karapatan ang ginawa sa kanya ng asawa.


Isiniwalat na ni Sunshine Dizon ang kanyang saloobin kaugnay ng pinagdadaanang problema sa pagsasama nila ng mister niyang si Timothy Tan.

Wala man direktang pangalang binanggit si Sunshine sa kanyang Instagram post ngayong Linggo ng gabi, June 19, malinaw na ang kanyang pinatatamaan ay ang kanyang asawa.

Panimula ng Kapuso actress, “You used to be my best friend, my partner in everything. We used to talk about everything and anything.

“Now I wake up from this dream and everything turned to nothing.

“It was all for nothing. It was all a lie.”

Pagkatapos nito ay ibinahagi ni Sunshine ang pagtataksil na ginawa diumano sa kanya ni Timothy.

“My nightmares began exactly June of last year.

“I’ve given you several chances, I swallowed everything for the sake of Doreen and Anton [their children], I tried my best and gave my all.

“You have disregarded your responsibilities and turned into a monster, all the lies and deception.

“I have worked hard on my own to survive this family. You just sat there and did nothing.”

Patuloy ng aktres, “Did you really think I was that stupid? Did you really think I would just cry in one corner and do nothing?

“Too bad this stupid girl isn't stupid after all.”

Noong Biyernes, June 17, ay magkakasunod ang posts ni Sunshine sa Instagram tungkol sa isang babaeng nagngangalang Clarissa Sison, na pinaghihinalaang may ugnayan sa asawa ng aktres.

Read: Sunshine Dizon posts cryptic messages on Instagram about mystery woman

Sabi pa ni Sunshine sa kanyang panibagong IG post, “I will not make excuses for you nor lie.

“You have shamed your family, you have shamed your children.

“You will get what you deserve. If you really have balls, face the consequences of your actions.

“You ruined two families. You ruined the lives of our children.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumalabas din sa mensahe ni Sunshine na sa parehong building kung saan nakatira ang kanilang pamilya naninirahan ang babaeng tinutukoy niya.

“For almost a year you had the audacity to live with that woman in the same building where your own children lives.

“You took my hard earned money.

“I have refused to give interviews out of respect for your family, but instead you go ahead and do it on your own.”

Sa official statement ni Timothy ay inamin niyang may problema nga sa pagsasama nila ni Sunshine at sinabi rin niyang napagdesisyunan nilang mag-file ng annulment.

Read: Sunshine Dizon's husband confirms marital problems; reveals plan to file for annulment

Ngunit tila taliwas ito sa pahayag ni Sunshine.

Sabi ng 32-year-old actress: “There is no forgiveness for what you did. No annulment for you.

“I will seek justice. I will see you both in court.”

There is no forgiveness for what you did. No annulment for you. I will seek justice. I will see you both in court.

A photo posted by Sunshine Dizon-Tan (@shinedizontan) on

INSTA QUOTES. Bago ang Instagram post na ito ni Sunshine ay magkakasunod din ang pagbabahagi niya ng quotes na tila patama sa kanyang mister na si Timothy:

?

A photo posted by Sunshine Dizon-Tan (@shinedizontan) on

?

A photo posted by Sunshine Dizon-Tan (@shinedizontan) on

????

A photo posted by Sunshine Dizon-Tan (@shinedizontan) on

Tumagal ng anim na taon ang pagsasama nina Sunshine at Timothy bilang mag-asawa.

Bukas ang PEP sa panig ni Timothy kaugnay ng mga pahayag na ito ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN