PEP SCOOP. Cedric Lee files five counts of libel against Vina Morales in Cabanatuan City

Naisampa na ni Cedric Lee kahapon, June 20, ang five counts of libel laban sa dating karelasyon na si Vina Morales. Sa Miyerkules, June 22, magsasampa ulit si Cedric at kapatid nitong si Bernice Lee ng tig-iisang count of libel sa Caloocan City laban pa rin sa singer-actress.


Natuloy na ang paghahain ni Cedric Lee ng five counts of libel laban sa ex-girlfriend niyang si Vina Morales.

Iinihain ni Cedric ang reklamo niya laban kay Vina sa Office of the Provincial Prosecutor sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Lunes, June 20, bandang 4:30 ng hapon.

Base sa dokumentong ipinadala ng isang source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mariing pinalagan ni Cedric ang akusayon ni Vina na nagkaroon ng trauma ang kanilang anak na si Ceana dahil sa siyam na araw raw nitong pagtangay sa bata.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vina Morales files complaint against Cedric Lee for forcibly detaining their daughter

Ang isa pang nakasaad sa inihaing reklamo ni Cedric ay ang tungkol sa pananakot diumano niya sa yaya ng anak nila ni Vina, na mariin din niyang itinanggi.

Mahigpit ding pinabulaanan ni Cedric ang akusasyon ni Vina na binu-bully niya ito pati na ang pamilya ng singer-actress.

Read: Vina Morales stands by bullying allegation against Cedric Lee; wants sole custody of their daughter

Sa Miyerkules, June 22, magpa-file ng isa pang libel case sa Caloocan City si Cedric, pati na ang kanyang kapatid na si Bernice Lee, laban kay Vina.

Sa nakaraang panayam ng PEP kay Vina ay sinabi nitong ipapaubaya na niya sa kanyang abugado ang mga reklamong ito ni Cedric.

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Vina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN