Mar Roxas finally submits SOCE; declares P478 million total campaign expenses

Pumapangalawa si Mar Roxas sa may pinakamalaking nagastos noong kampanya na umabot sa P478 million. Sumunod siya kay Senator Grace Poe na gumastos naman ng P510 million, base na rin sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).


Nagsumite na ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ang natalong presidential candidate na si Mar Roxas.

Isang truck na may mahigit 50 kahon ng mga dokumento, kasabay ng kanyang SOCE, ang dinala ng mga staff ni Roxas sa Comelec office sa Intramuros, Manila, ngayong Miyerkules, June 22, o dalawang linggo pagkatapos ng itinakdang June 8 deadline.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, umabot sa P487,331,601.36 ang nagastos ng Liberal Party standard-bearer sa kampanya.

Base sa kanyang SOCE, gumastos si Roxas ng mahigit P407.3 million para sa campaign advertisements.

Halos lahat ng malalaking contributors ni Roxas ay mga kamag-anak niya.

Ang pinakamalaki niyang contributor ay ang kanyang ina na si Judy Araneta-Roxas, na nagbigay ng P110 million.

Ang pangalawa ay ang kanyang uncle na si Jorge Araneta, na nag-ambag naman ng P70 million.

Ang kanyang tiyahin na si Maria A. Fores ay nagbigay ng P60 million.

Ang isa pang tiyahin ni Mar na si Ruby ay nagbigay ng P10 million, at ang pinsan naman nitong si Margarita Fores ay nagbigay ng P7 million.

Gumastos naman si Mar mula sa kanyang sariling pera ng halagang P18,037,139.01 million.

SECOND HIGHEST-CAMPAIGN SPENDER. Lumalabas na si Senator Grace Poe pa rin ang may pinakamalaking nagastos sa lahat ng presidential candidates nitong nakaraang halalan.

Umabot sa P510,845,262.56 million ang nagastos ng independent candidate.

Sinundan naman ito ni Vice President Jejomar Binay, na gumastos ng P463,375,216.37.

Si President-elect Rodrigo Duterte ay gumastos ng 371,461,480.23 million, samantalang si Senator Miriam Defensor Santiago ay gumastos lamang ng P74.65 million.

Read: Susan Roces among Sen. Grace Poe's biggest campaign contributors

Nahuli ng dalawang linggo ang SOCE filing ni Mar sa itinakdang June 8 deadline ng sa Comelec.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN